Chaptet 27

74.4K 1.3K 345
                                    

Mira Jane Garcia

KATATAPOS ko lang magshower nong makarinig ako ng sunod-sunod na katok sa pintuan.

"Bukas po yan.".

Bumukas ang pinto at si Mama ang nakita kong sumilip.

"Nasa baba si Jean, hinihitay ka."

Andito na ang impakto!

"Ay Ma?!"

"Oh?"

"Medyo gabi na, papayagan mo pa ba akong lumabas?"

Baka kasi nahihiya lang si Mama na tumanggi kay Jean kaya tinanong ko na.

"Basta si Jean ang kasama mo panatag ako. Sabi niya gagawin niyo raw yong project mo sa bahay nila kaya okay lang."

Tsk! Nauto na naman niya ang Mama ko.

"Sige po Ma bababa na po ako. Magbibihis lang ako saglit."

Bumaba na ulit si Mama sa sala kaya nagbihis na ako. Kinuha ko lang yong cellphone saka yong purse ko at lumabas na ng kwarto. Pagbaba ko ng sala nakita ko agad si Jean nakatingin sa akin.

"Ma, alis na po muna kami." paalama ko.

"Mag-iingat kayo ha? Jean ingatan mo si Mira."

"Opo, Tita." sagot ni Jean.

Lumabas na kami ng bahay at diretsong sumakay ng kotse niya.

"San ba tayo pupunta?"

"Hmm maghintay ka lang. Isa itong surprise."

"May surprise ka pang nalalaman diyan."

"Syempre naman, basta ikaw. Alam mo namang love kita di ba?"

Nagkatinginan kami sabay ang kindat ng mata niya.

"Korni mo." sagot ko.

Natatawa lang siya saka ibinalik ang tingin sa daan.

Hindi ko na siya kinulit, hinayaan ko na lang siyang magdrive, hindi naman siguro niya ako ipapahamak. Nakikinig lang ako sa music na pinapatugtog niya dito sa kotse niya, pero parang bumibigat na yong talukap ng mata ko, nakakaramdam na ako ng antok.

"Hey! Wag kang matutulog!"

Bigla akong umayos sa pagkakaupo ko nong maramdaman ko ang palad ni Jean na pumisil sa legs ko. Para tuloy akong nakuryente sa hawak niyang iyon.

Maya't maya may napansin ako. Parang pamilyar ang lugar na to sakin!

"Oh Jean utang na loob!" napalakas yong boses ko at halatang natatawa siya.

"Don't worry hindi ko ipa-pamasahe ang pwet ko sayo. May ipapakita lang ako."

Kinakabahan ako dahil andito kami sa Manila Bay kung saan makikita ang isang napakagandang Yate. Hindi ito yong nasakyan namin ni Jean nong i-pamasahe niya yong pwet niya sakin pero kinakabahan pa rin ako.

"Halika akyat muna tayo." hinawakan niya ang kamay ko pero halos hindi ko maihakbang ang mga paa ko. Baka maghubo na naman siya sa harapan ko! Ayoko talaga minsan nakakasama ang taong to!

"Relax, masyado kang nerbyosa. Wala naman akong gagawing masama sayo."

"Malay ko ba. Baka mamaya reypin mo pa ako!"

Tawa siya ng tawa.

"Eh kung papayag kang ako ang maging first mo sa lahat. Hindi talaga ako magdadalawang isip na reypin ka."

"He! Magtigil ka nga! Di ako magpaparape sayo no!"

"Wag kang magsalita ng patapos baka mamaya kapag naramdaman mo ang mga haplos at halik ko sa buong katawan mo baka mabaliw ka ahahaha."

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon