Chapter 32

63.9K 1.1K 108
                                    

Jean Kaye Emerson

"ANO na naman bang kalokohan to Jean?!" pasigaw na bungad sakin ni Yana.

Isa-isa ko silang tinawagan at sinabi kong puntahan ako dito sa bahay. Andito na si Jo, Frances, Jill at ang pinakahuling dumating ay si Yana na halatang mainit na naman ang ulo. Hinanda ko na ang sarili ko para sa bagay na to. 

"Guys, kailangan ko ang tulong niyo." sabi ko habang nakatayo sa harapan nila.

"Anong klaseng tulong?"tanong ni Jill habang ngumunguya ng bubble gum.

Nakatingin lang naman sakin si Frances habang kalaro si Jo ng billiards.

 "May aaminin ako sa inyo. Kaya ko kayo pinatawag dahil pakiramdam ko sasabog na ang dibdib ko, parang mababaliw na ako."

"Matagal ka ng baliw Jean, wag mo na kaming utuin pa." 

Bwisit na Yana na to! Hindi man lang ako patapusin sa sinasabi ko!

"Ano ba yon? Ang tagal naman, naiinip na ako!" reklamo ni Jill.

Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan, nangangapa pa ako ng lakas ng loob. Kilala ako bilang mapang-asar sa barkada pero ngayon magpapakaseryoso muna ako dahil importanteng bagay tong sasabihin ko sa kanila. 

Napalunok ako bago magsalita.

"Guys, I think I'm in love."

Napamaang silang lahat at parang tumigil ang oras sa kwartong ito pero hindi iyon nagtagal dahil bigla na lang silang nagtawanan.

"Salamat sa pagtawa niyo pero hindi ako clown! Seryoso ako, hindi ba kayo masaya na in love na ako?"

"Masaya siyempre. Ipakilala mo na yan sa amin." si Frances.

"Si Bogart ba yan?!" sigaw ni Jill.

"Yuhuuuu!!!!" sigaw din ni Jo.

"Di nga? Si Bogart?! Okay yon ah! Saglit! Sino ba yon?" si Yana na halatang walang alam.

Hay! Nadagdagan ata lalo problema ko!

"Siya ba yong dinala mo sa bar dati? In fairness ang cute ng name." 

Natatawang sabi ni Yana na sinundan naman ng tawa nong tatlo.

Asar!

"Siya kayo na lang ang bida! Mas magaling pa kayo sa akin, eh!" sigaw ko.

Bigla naman silang tumahimik. Salamat naman!

"Bakit mo ba kami pinatawag pa? Babae lang naman pala, alam naman naming kayang kaya mo na yan." 

"Hindi ganon kadali Yanski, nahihirapan ako kasi......kasi parang wala akong pag-asa. Ang tagal ko ng nagpapacute sa kanya, sinabi ko na rin sa kanya na gusto ko siya pero dedma. Ayaw daw niya sa kapwa niya babae."

"Mahirap nga yan, Jean. Humanap ka na lang ng iba."

"Pero hindi ganon kadali, Jill."

Wala na nga akong kapag-a-pag-asa kay Mira, wala pang kwenta tong mga kaibigan ko!

"Alam ko na bakit ayaw sayo?!"

Tumaas yong kilay ko sa sinabi ni Frances. Pano naman niya malalaman na ayaw sakin ni Mira?

"Bakit?"

"Pangit ka kasi!"

"Pwede ba Frances kung wala kang sasabihing matino manahimik ka na lang! Ang hinihiling ko lang naman ay palakasin niyo ang loob ko!"

Magkasalubong na ang dalawang kilay ko at pag hindi pa sila tumigil susuntukin ko sinong pinakamalapit sakin kaso si Yana ang andito sa harapan ko. Siguradong talo ako rito.

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon