Chapter 13

88.5K 1.1K 58
                                    

Jean Kaye Emerson

"I want to feel you...lay you in my bed and feel your body close to mine." sabi ng bida sa pinapanuod ko.

Andito ako sa room ko ngayon.

Napapangiti ako habang sumusubo ng potato chips. Tamang tama yong linya niya.

"Mira, I want to feel you...lay you in my bed and feel your body close to mine haha!"

Subo ulit ng potato chips.

"Mira..."

Natigilan ako sa pagsubo.

Napapansin ko ang sarili ko. Dati kapag nagising ako lahat ng GFs ko ang mga naiisip ko. Ngayon madalas si banyo queen na lang.

Bat ganon? Dahil ba gustong-gusto ko siyang asarin?

Baka nga ganon.

Nakakatuwa lang makisalamuha sa babaeng gaya niya. Palaban!

"Mira..." Shete! Ano ba tong naiisip ko! Lagi na lang siya!

Ay Oo nga pala may naalala ako!

Napapahawak ako sa chin ko habang nagiisip.

Dapat sumama siya sakin sa photo exhibit! Naibigay ko na yong invitation. Syempre pag sumama siya sakin pagkakataon ko na yon para mafall siya sakin haha ang talino ko talaga! Naeexcite ako! Mafafall din yon sakin at yon ang pinakamasarap na ganti ko sa kanya! Haha!

Tok

Tok

Tok

Hmm? Sino na naman ba toh?! Gabing-gabi na, imposibleng si Jill o Jo toh dahil alam ko kasama nila mga GF nila.

Tumayo muna ako para buksan yong door.

Pagbukas ko tumaas agad yong kilay ko.

"What are you doing here?!"

"Baby please let's talk?" si Chloe saka niya hinawakan yong braso ko.

"Leave me alone Chloe. Ayokong makipagusap sayo." sabi ko saka ko pilit na tinanggal yong pagkakahawak niya sa braso ko.

"Chloe? Yan na lang ba tawag mo sakin?"

"Why? What do you want me to call you? Gusto mong tawagin kitang Slut?"

Ang kapal ng mukha niya na pumunta dito. Kahit aware akong may bf siya hinayaan ko lang, pero yong ipakilala pa sakin ay kalabisan na yon!

"I'm not Slut! Mark is.."

"Yeah I know! Mark is your boyfriend! Di ba nga you're so proud na ipakilala siya sakin?!"

Napapataas yong boses ko.

"Bakit ikaw din naman ha?! Paano mo nagawang ipagpalit ako sa cheap girl na yon?!"

"Cheap?! Watch your words Chloe! Hindi siya cheap! Pwede ba umuwi ka na! Tapos na tayo!"

"Baby please I'm so sorry. I can't lose you. Mas mahal kita kesa kay Mark."

"I don't give a damn! Kahit sino pang mas mahal mo! Leave me alone! Gusto ko ng matulog."

Hindi niya ako nakumbinsi. Ayoko na rin naman sa kanya!

Umiiyak siyang lumabas ng room ko.

Walang sinong babae ang pwedeng magmalaki sakin at hindi ako masasaktan kahit mawala pa siya sa buhay ko!

Marami naman akong babae!

Humiga na ako after kong i-off yong TV. Sunod-sunod ang mga text at calls mula sa mga GFs ko pero wala ako sa mood makipaglandian kaya tinulog ko na lang.

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon