Chapter 62

33.1K 930 71
                                    

Jean Kaye Emerson

Pagkatapos ng pangyayari kung saan nakita ako ni Mira Jane na yakap ni Abby ilang araw din siyang naging mailap sa akin. Kahit na nagkaayos din kami nong gabing iyon halatang hindi pa rin okay sa kanya yong nakita niya.

Kaya eto ako ngayon tulala habang nakatayo dito sa harapan ng gate nila.

Weekend kasi kaya ang hirap niyang kontakin, hindi siya sumasagot sa mga text at tawag ko kaya naisip kong puntahan na siya rito sa bahay nila. Baka sakaling matanaw ko siya kahit man lang sa bintana nila. Pero halos mag isang oras na akong nakatayo rito ni anino niya hindi ko man lang makita.

Naisip kong umakyat sa gilid ng gate nila para sana maakyat ko yong kwarto niya kaso ang dami namang nagchichismisang babae doon.

Pero walang makakapigil sa akin.

Napangiti ako sa sarili ko saka ko sinimulang akyatin ang gate nila.

Dahan-dahan ko tong inakyat hanggang sa maabot ko ang tuktok nito.

Madali lang namang akyatin dahil grills lang ang gate nila pero medyo challenging ang pagbaba dahil sa mga tusok na hugis pana dito sa taas.

"Ahem!"

Mhmm?

Handa na akong bumaba kaso may narinig akong tumikhim sa ibaba.

Pagtingin ko....

Shet!

"Ah eh, hello po Tita. Good morning po."

Kakawayan ko sana ang Nanay ni Mira Jane kaso hindi ko maitaas ang isang kamay ko dahil kinokontrol nito ang bigat ng buong katawan ko para hindi matusok ang kepyas ko dito sa kinalalagyan ko ngayon.

Pag nagkataon Aruy! Masakit matusok ng bakal!

"Jean anong ginagawa mo diyan?"tanong ni Tita.

Mukhang galing siyang palengke dahil may dala dala pa itong basket na puno ng gulay.

"Ahh kanina pa po kasi ako pumipindot sa doorbell niyo tita kaso wala naman pong nagbubukas. Gusto ko lang po sanang makausap si Mira Jane."pagsisinungaling ko.

Hindi ko naman talaga pinindot yong doorbell nila.

"Bumaba ka nga diyan bata ka. Baka matusok ka pa diyan."

"O-opo."

Bababa ako palabas ng gate o bababa ako papasok ng gate?

Mmhm mas komportable ako pag bumaba ako dito sa loob ng gate.

Pagkatapos kong maglumambitin sa taas ng gate agad akong bumitaw sa bakal at hinayaan kong sumayad ang paa ko sa lupa.

Mababa lang pala.

Naglakad na papasok ng bahay si Tita ng hindi man lang niya ako tinatanong kung gusto kong pumasok at uminom ng juice man lang.

Halatang may galit sa akin.

Nagsimula akong humakbang at sinundan ko si Tita. Doble ang bilis ng lakad ko para maabutan siya.

"Tita baka po pwede ko kayong makausap?"tanong ko sa kanya pagkatapat ko dito sa may pinto nila.

"Sige pumasok ka."

Mas mabilis pa sa alas kwatro ang paa ko at agad akong umupo sa sofa nila.

"Ano bang pag uusapan natin?"

"Tungkol po sana kay Mira Jane."

Tumango lang si Tita at halatang naghihintay siya ng susunod na sasabihin ko.

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon