Chapter 7

126K 1.3K 91
                                    

Jean Kaye Emerson

"HI BEAUTIFUL"

Napalingon ako sa tumawag sakin ng beautiful, pero binalik ko ulit yong tingin ko sa goblet na hawak ko.

Andito ako sa bar ni Yana.

Nakaupo ako dito sa counter at wala ako sa mood makipagusap lalo na sa lalaking mukhang ewan.

"I'm Vincent by the way." pakilala niya sa sarili niya. Napatingin ulit ako sa kanya at ngiting ngiti siya. Kung sa guapo nga di ako kinikilig pag ngumiti sa akin, dito pa kaya sa mukhang ewan na to!

Ayokong makipagusap!

Tumayo na ako pero hinawakan niya yong braso ko.

"Get off me!" sabi ko saka ko siya tiningnan ng masama.

"Gusto ko lang makipagkilala Miss, mukha kasing naghahanap ka ng isang taong pwedeng magpangiti sayo."

Napaismid ako sa sinabi niya.

Kapag di ako binitawan neto baka matadyakan ko yong pagmumukha niya!

"Bitawan mo ako, nagkamali ka ng nilapitan. Dahil parehas lang tayo Mister. Chic ang hanap ko!"

Natawa ba naman siya sa sinabi ko.

"Really? Sayang ang ganda mo Miss kung sa chikas ka din lang babagsak. Pwede namang sa akin na lang." sabi niya saka siya kumindat.

Ayoko lang talagang makipagsapakan dito dahil baka magalit si Yana sakin.

Hmm okay ayaw talaga niya akong bitawan ha!

Nakita ko si Atasha malapit lang dito sa counter. Sinenyasan ko siyang lumapit. Hindi naman niya ako binigo.

"Hey, Jean may problema ba?" tanong ni Atasha.

"Hmm Atasha sweetheart."sabi ko sa kanya paglapit niya saka ko siya hinila palapit sakin sabay halik sa labi niya. Hindi smack kundi torrid talaga. Bigla nalang akong binitawan nong nag pakilalang Vincent saka siya umalis.

Tulala pa si Atasha nong maghiwalay na yong labi namin.

"Jean walangya ka!" saka niya ako hinampas sa braso.

Tawang tawa naman ako. Natikman ko tuloy yong labi ni Atasha.

"Eto naman para kiss lang! Isa pa wala ka namang boyfriend na magagalit ah!"

"Kahit na! Bwisit ka!"

Kitang kita ko kung pano mainis si Atasha, at halos pukpukin na niya ako ng bote ng wisky! hehe

Si Yana naman nakangiti lang sa akin na iiling iling. Malamang nakita niya yong ginawa ko.

Tumayo na ako saka ko sinundan si Atasha.

"Uy galit ka?"

"Ano sa tingin mo? Matutuwa ako?"

"Hmmm hindi. Kaya nga magsosorry ako. Sasapakin ko sana yong lalaki kaso baka magkagulo, magalit pa si Yana kaya naisip kong halikan ka para bitawan niya ako." sabi ko saka ko siya nginitian.

"Hay ewan ko sayo Jean! Puro ka talaga kalokohan!"

Alam kong inis si Atasha sakin dahil never siyang nakipaghalikan sa girl. Ang masama madaming nakakita sa ginawa ko. Pero hindi ako umuwi na inis siya sa akin. Niyakap yakap ko pa siya nong sabihin niyang okay na kami.

Di na siya inis.

Ang totoo wala naman akong pagnanasa sa mga kaibigan ko eh. Nagkataon lang kinailangan ko lang yong labi ni Atasha nong ayaw akong bitawan nong mukhang ewan na lalaki.

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon