Chapter 24

91.5K 1.3K 224
                                    

Mira Jane Garcia

MALALIM na ang gabi pero eto gising na gising pa din ako. Andito ako ngayon sa bintana nakaupo habang nakatanaw sa kalangitan. Panay ang buntong hininga ko kapag naiisip ko yong gabing iyon.

Nagmukha akong basahan!

"Mira bumaba ka nga diyan, bata ka! Matulog ka na!" si Mama sumisigaw habang kinakandado yong gate.

"Mamaya na po Ma! Hindi pa ako inaantok."

"Baka mahulog ka diyan!"

"Hindi po!Nakakapit naman ako!"sigaw ko bago pa siya makapasok ng bahay.

Parang bata naman ako kung ituring ni Mama. Syempre kakapit naman ako habang nakaupo dito. Tsaka nakaapak naman ako dito sa bubungan ng terrace namin, lagi ko namang ginagawa to eh!

Mayat-maya narinig kong bumukas ang pinto nitong room ko.

"Isara mong mabuti yang bintana bago ka matulog. Maraming akyat bahay ngayon. Baka makalimutan mo na naman!"

"Opo, Ma."

Hay naku naman talaga si Mama. Nag-eemote ako panay naman ang sigaw sa akin.

Narinig ko na lang ang paghakbang niya palabas ng kwarto ko pero biglang bumalik ulit.

"Kumusta nga pala si Jean? Ilang araw na siyang hindi dumadalaw dito."

"Ma, bakit ba lagi niyong tinatanong si Jean? Hindi na yon pupunta dito."

"Bakit? Inaway mo ba? Ang bait bait ng batang yon pero hindi mo man lang ata pinapakisamahan ng maayos! Aba, iilan na lang ang mga kabataang kagaya niya!"

Tsk! Di ko maintindihan tong Mama ko. Mas paborito na ata niya yong impaktong yon!

Hay naku!

"Kapag nagkita ulit kayo, sabihin mo namimiss ko na siya, ha? Sabihin mo yon."

"Ma naman! Ayoko nga!"

"Aba, Bakit ayaw mo! Anong masama don? Sasabihin mo lang naman!"

"Eh bakit hindi na lang kayo ang magsabi? Bakit kailangang ako?"

"Sino bang pumapasok sa School? Hindi bat ikaw? Alangan pumunta pa ako sa School niyo!"

"Hmp! Oo na! Sige na po, nageemote pa ako eh!"

"Puro ka emote! Yang pagaaral mo ang atupagin mo!"

Tss! Nag-aral na nga kanina maghapon mag-aaral na naman paguwi ng bahay?! Nakakapagod kaya!

Umalis na ulit si Mama. Siguradong matutulog na iyon.

Tumingala na lang ulit ako sa langit.

Kung kaya ko lang bilangin yong bitwin, bibilangin ko para makatulog na ako.

Hmmm.

"Isa, dalawa, tatlo, apat...hay ayoko na!"

Bumuntong hininga ako at naalala ko na naman si Jean.

Ilang araw na kaming hindi naguusap dahil todo iwas ako sa kanya. Ang ikinasasama kasi ng loob ko bakit kailangan pa akong sabihan ng 'gorgeous' ng impaktong yon.

Binobola lang pala niya ako!

Para ano?!

Para pag nauto niya ako magiging sunod-sunuran ako sa kanya?!

Bwisit siya!

"Tinatawag mo din akong impakto pero hindi ako nagrereklamo dahil para sa akin yon ang pinakasweet sa lahat."

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon