Chapter 33

69.1K 1.1K 87
                                    

Mira Jane Garcia

"MIRA JANE! Gumising ka na diyan, bata ka! Tanghali na! Baka malate ka!"

"Mmmm" umungol ako kasabay ang paghikab at pag-inat ko ng katawan.

"Anong petsa na natutulog ka pa rin! Samantalang yong Kuya mo pumasok na!"

Umupo ako dito sa gilid ng kama ko habang si Mama dada pa rin ng dada. Hay! Ang aga-aga. Di man lang ako pagbigyang matulog ng mahaba-haba. Eh, hindi naman kami pareho ng schedule ng pagpasok ni Kuya.

"Tumayo ka na diyan at maghanda ka na para sa pagpasok mo!"

"Ma, ang aga pa."  sabi ko habang nakatingin sa kanya. Isa-isa niyang pinupulot yong mga nakakalat na gamit ko sa sahig.

"Anong maaga? Ikaw Mira kababae mong tao ikaw pa tong tamad, tingnan mo tong mga gamit mo hindi mo man lang magawang pulutin! Isa pa, tanghali na hindi ka pa rin  tumatayo diyan!"

"Mama time is precious. Kaya imbes na masayang yong oras ko sa ano mang bagay eh di itulog ko na lang." sagot ko saka ako dumapa ulit. Napaka-aga pa para bumangon.

"Anong time is precious ang pinagsasabi mong bata ka!!! Tumayo ka riyan!!!"

"Araaaay! Mama tatayo na ako! Tama na! Araaaay!!"

Nakakainis! Tama bang paluin ako ng walis tambo sa pwet ko! Padabog akong tumayo saka nagpunta ng banyo. 

"Bilisan  mo riyan at sabay na tayong mag-agahan."

"Opo!" sigaw ko.

Naligo muna ako at nagbihis bago bumaba ng kusina. Nakakapagtaka lang sasabayan ako ni Mama na magbreakfast ngayon. Madalas kasi paggising ko nakaalis na siya ng bahay. Maaga siyang pumapasok ng Office. 

"Kumain ka na, pinagtimpla kita ng gatas diyan."

Umupo na ako saka nagsimulang kumain. 

"Ma, bakit tanghali na hindi ka pa pumapasok sa Opisina?" tanong ko habang nakatingin sa kanya, nililigpit niya yong mga gamit na nasa ibabaw ng lababo. Siya talaga yong tipo ng tao na kahit maayos na ang mga bagay-bagay sa piningin ko, para sa kanya magulo pa rin ang mga iyon. Kaya kahit pagod siya galing sa trabaho inuulit pa rin niya yong paglilinis na ginagawa ko. Ganon talaga siguro ang Nanay, may makita lang na konting dumi at kalat akala mo isang tambak na ng basura ang  lilinisin.

"Wala namang masyadong trabaho ngayon dahil naka-schedule pa bukas yong medical ng mga aplikante namin. Hapon din naman yong pakikipag-usap ko sa bagong Employer na dumating galing ng Hongkong."

Tumango-tango lang ako saka uminom ng gatas. Umupo na rin si Mama saka uminom ng kape.

"Bilisan mo na diyan baka ma-late ka. Siya nga pala, sabihin mo kay Jean na pumunta rito sa Sabado at ipagluluto ko siya kamo. Nong nakaraang araw pinadalhan niya ako ng magandang damit kaya bilang pasasalamat ko sa kanya ipagluluto ko siya."

"Mama, isoli niyo na lang yong binigay niya para hindi na kayo obligadong ipagluto pa siya."

"Tigilan mo nga ako Mira, regalo niya yon sakin kasi nabanggit ko sa kanya na malapit na ang kaarawan ko. Buti nga yong kaibigan mong 'yon nabibigyan ako ng regalo."

"Bigyan mo ako ng pera Ma, para maibili kita ng regalo." sabi ko habang nakadikit pa yong kutsara sa labi ko.

"Ihampas ko kaya to sayo?"

"Hmp!"

Tumayo na lang ako nong makita kong hawak na ni Mama yong sandok ng kanin. 

Eh, pano ko ba siya bibigyan ng regalo ubos lagi pera ko. Minsan nga humihingi pa ako sa Kuya ko pag naubusan ako. Kaso lagi rin naman akong sinisingil ng mokong na 'yon! 

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon