Chapter 80

36.6K 919 396
                                    

Mira Jane Garcia

KUNG ganito ba naman kasweet lagi ang impaktong ito baka kahit araw-arawin pa niya akong pakainin ng spagetti hindi siguro ako magsasawa.

Pagkatapos niya akong busugin niyaya na ulit niya akong pumanhik sa kwarto ni Yana para ipagpatuloy ang pagrereview ko.

Ang problema dahil ata sa kabusugan ko ay inantok akong bigla.

Habang nagsisipilyo ako para akong matutumba dahil sa antok.

Ano ba naman 'to! Nilagyan ata niya ng pampatulog yong pinakain niya sa akin.

"Jean pwede ba akong umidlip kahit saglit lang? Inaantok kasi ako."sabi ko nong matapos akong magmumog.

"Para kang sawa. Pagkatapos kumain matutulog. Anong klase!"

"Dali na. Hindi papasok sa utak ko yang mga yan pag di ako umidlip."

"All right! Twenty minutes. "

"Yes! Thank you."

Mabilis akong gumapang sa kama ni Yana pagkatapos kong magtoothbrush.

"Katatapos mo lang kumain hihiga ka agad?"

"Oo masama ba?"

"Lalaki yang bilbil mo niyan!"

Natatawa ako dahil nakapamaywang siya.

"Eh, di iwanan mo ako kapag lumaki ang bilbil ko."sagot ko saka ako nagtalukbong.

Ang lambot ng kama ni Yana, pati ang mga unan at kumot. Ang bango bango pa. Baka bukas na ako magising neto. Di bale na.

"Kapag lumagpas ka ng kahit isang minuto sa pagtulog ipapa-memorize ko sayo yong buong libro."

Ihhh!

Asar na impaktong to! Nababasa ata niya yong isipan ko.

Hindi na ako sumagot. Pumikit na agad ako dahil sayang yong minuto na lilipas. Pagpikit na pagpikit ko pa lang ay nakatulog agad ako.

Kahit saglit na tulog lang iyon ay sobra itong nagpagaan ng pakiramdam ko. Nagising lang ako dahil may naramdaman akong tumitilamsik na tubig sa mukha at braso ko.

Umuulan ba?

Napatingin ako sa may bintana pero nakasara ang mga ito.

Oo nga pala. Bakit naman bubuksan yang bintana eh nakabukas yong aircon.

Napatingin ako sa may gilid ko at nakita ko ang isang bulto ng tao. Ang tagal bago rumihistro sa isip ko na si Jean Kaye pala ang taong tinitingnan ko. Nakatapis ito ng towel habang tinutuyo ang buhok niya gamit ang isa pang towel at ganon na lang ang panlalaki ng mata ko nong malaglag sa sahig yong nakatapis sa kanya.

Peste!

Hindi ko alam kung bakit biglang nanigas yong mga daliri ko sa paa at napahigpit ang hawak ko sa kumot na nakatapik sa tiyan ko.

Dahil nakatalikod ito sa akin kitang kita ko tuloy yong hubog ng katawan niya at napako ang tingin ko sa may puwet niya.

Naalala ko tuloy yong mga unang tagpo namin kung saan ipinamasahe niya sa akin yong parteng iyon.

Hindi ko inaasahang lilingunin niya ako. Buti na lang mabilis ang mga talukap ko at naipikit ko agad ang mata ko bago pa niya ako mahuli na nakatitig sa kanya. Ni-relax ko rin ang kamay ko na kanina ay mahigpit na humahawak sa kumot.

Hindi na siguro niya mahahalata na nagtutulog-tulugan na lang ako.

"Get up! Alam kong kanina ka pa gising."

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon