Chapter 8

128K 1.4K 185
                                    

Jean Kaye Emerson

"HEY COUSIN MAIWAN MUNA KITA DIYAN. Puntahan ko lang sweetheart ko." si Dilan.

Andito kami ngayon sa BAY WALK International Auto show, eto ang biggest motor show in terms of visitor count, cars on display, and exhibitors. Dito ang annual venue for car buyers and enthusiasts alike to take a closer look at the latest models and significant concepts from the Philippines' premiere auto makers.Andami ding redesigned model at kung anu-ano pang pakulo ng ibang owner ng mga sasakyan na nakijoin din sa Car show na toh. Kaya pinilit ko si Dilan na magpunta kami dito kasi andaming chicks este magagandang kotse. hehe

Ayaw naman kasing sumama nong dalawang hinayupak kong kaibigan dahil busy sa mga GFs nila.

Tumango lang ako sa kanya saka tumingala sa kalangitan.

Andaming bitwin at napakaliwanag ng paligid. Para silang babae nagniningnig ang kagandahan.

Ano na naman ba naiisip ko!

"Uy, insan ano na? Para kang tanga jan! Ngumingiti ka mag isa! Jan ka na nga!"

Tumaas yong kilay ko. Andito pa pala siya! Bruhong toh hindi pa umaalis! Tumango na nga ako kanina sa kanya e.

" Sige lang, lumayas ka na! Kung makapagpaalam ka naman sakin daig ko pang Nanay mo!"

"Baliw! Nagpapaalam lang e!"

Hindi ko na siya pinansin. Umalis na din naman siya.

Palingon-lingon lang ako. Baka may makilala akong cute girls, pero ang maganda dito andaming show girls.

Puro sila nakabikini.

Ang se-sexy!

Lakad

Lakad

Lakad sabay tingin sa mga chikas!

Witwiiw talaga.

"Hey paks!"

Bigla akong natigilan. Paks?

Saglit! Isa lang tumatawag sakin non. Paks short for tipaklong! Naku hindi kaya si....

Paglingon ko.

Nanlaki yong mata ko.

"Alexa?!" bulalas ko. Dali-dali akong lumapit sa kanya.

Si Alexa lang naman ang babaeng unang nakadi-virg*n sa akin! hehe Weeeeew ano kaya ginagawa niya dito? Ang tagal ko na siyang hindi nakita mula nong umuwi siya ng Cebu at don na magaral ng College.

"Hi! How are you?" sabi niya saka siya humalik sa pisngi ko.

"I'm good. Wow Lex, ikaw ba yan?! Ang ganda at super hot ng dating mo!"

Tawang tawa siya sa sinabi ko. Niyakap ko siya ng mahigpit saka hinalikan din sa pisngi niya.

Maalala ko second year high school ako non at siya naman Senior that time. Ilang taon na rin ang nakakaraan mula non. Nagsimula lahat sa isang laro na pasahan ng candy gamit ang bibig. hehe Nakisali lang ako dahil barkada namin yong ibang Seniors dati.

After ng laro niyaya niya ako sa house nila at don nangyari ang lahat.

Hindi ako makapaniwala. Ang laki ng pinagbago niya. Kung dati medyo payatot pa siya at mukhang Nerd ngayon ibang-iba na.

Maganda na siya noon, pero iba siya ngayon. Alam kong bisexual na siya dati pa at hindi laru-laro lang yong nangyari samin nong gabing yon. Grabe di lang ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Isa lang masasabi ko. Napaka-hot talaga niya ngayon! Lalong nagpaganda sa kanya yong mahabang buhok niya na halos tumatakip sa magkabilang balikat niya.  

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon