Chapter 23

74.6K 1.1K 83
                                    

Jean Kaye Emerson

HINDI ko maintindihan kung bakit bigla na lang siyang umiyak. Galit siya sa akin at wala akong magawa kundi umalis dahil yon ang gusto niya.

Ano ba ang nagawa ko sa kanya?

Kumuha lang naman ako ng pagkain namin tapos pagbalik ko, wala na siya. Para akong mababaliw nong hindi ko siya makita dahil akala ko kung ano na ang nangyari sa kanya. Paglabas ko ng building naabutan ko siyang nakaupo sa tabi ng lightpost. Sinisermonan ko pa siya dahil ang akala ko nang-aasar na naman siya.

Pero sa totoo lang sobrang pagaalala ang naramdaman ko para sa kanya sa mga oras na yon lalo na nong makita ko siyang umiyak. Parang madudurog ang puso ko.

Bakit ganon? Bakit ganon na lang ang nararamdaman ko pag nakikita ko siyang umiiyak?

Nasasaktan ako. Ayokong nakikita siyang ganon. Ayokong umiiyak siya.

Hay!

Ring

Ring

Ring

Dinampot ko ang phone ko saka sinagot ang tawag.

"ABBY, napatawag ka?"

Kararating ko lang dito sa bahay, nakaupo ako dito sa sofa habang nakatutok sa screen ng TV.

"What's with you, Jean? Ayaw mo bang marinig ang voice ko?"

"Of course I want to hear your voice."

Seryoso lang ako habang paulit ulit na pinipindot tong remote, nililipat ko ang channel ng TV pero parang wala naman ako sa sarili ko.

Natutulala ako.

"Hmm talaga, baby?"

"Yeah. In fact, it isn't just your voice that I miss."

Nagagawa ko pa ding sumagot ng ganito kahit wala ako sa sarili ko.

"Kung talagang nami-miss mo ako, bakit hindi mo man lang ako magawang i-text or tawagan? Hindi mo na nga ata ako naaalala. Kinakalimutan mo na ako, baby."

"Abby, ganon ba ang pagkakakilala mo sakin?"

"No."

Malambing ang boses niya sa pagsabi ng 'NO' kaya napangiti ako.

"Jean baby, mag-isa ko lang ngayon dito sa bahay. Gusto ko sanang lumabas kasama ka or puntahan na lang kita?"

"Mas lalo lang akong nagmukhang basahan sa mamahaling damit na to! At sa sandals na to! Kaya mo ba ako dinala dito para ipamukha sakin na pangit ako?! Para ipamukha na mayayaman kayo at ako'y isang hampas lupa lang?!"

Hindi ko maintindihan bakit bigla siyang nagbago, umiiyak siya at yon ang nagpapasikip sa dibdib ko.

"Jean, Are you still there?"

"Ah yeah." sagot ko.

"Where are you? Puntahan na lang kita?"

"Abby, I'm sorry. Hindi ako pwede ngayon. Maybe next time na lang tayo magkita. I'm busy right now. Marami akong tinatapos na assignments namin."

"Okay, I understand. Tapusin mo na yang assignments mo. I love you."

"I love you, too."

Napabuntong hininga ako saka ko nilapag yong phone ko sa table.

Siguro kailangan ko ng ipahinga to. Ayoko ng magisip pa, napipiga na tong utak ko.

...

ILANG araw na ang lumipas pero hindi pa rin ako pinapansin ni Mira. Kapag nagkakasalubong kami dito  sa Campus halos patakbo siyang maglakad para lang iwasan ako. Hindi ko lang kasi maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi ko siya magawang lapitan. Parang natatakot ako na baka umiyak na naman siya at sisihin ako sa pag-iyak niyang iyon.

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon