Chapter 65

32.5K 880 97
                                    

Mira Jane Garcia

Napaka-aliwalas ng panahon ngayon. Parang ang sarap maglakad at mamasyal. Nakakayamot lang kasi para akong preso. Bantay sarado ako ng kuya ko dito sa bahay hindi man lang ako makalabas.

Maghapon na naman akong magmumukmok dito.

"Mira Jane?"

Napabuntong hininga ako nong marinig kong kumakatok si Kuya si pinto.

Hindi ko siya pinansin.

Humilata na lang ako dito sa kama saka pumikit.

"Mira Jane?"

Hay naku!

Sunod sunod na katok ba naman ang ginawa ni Kuya. Nakakarindi talaga siya minsan.

"Bakit?"sigaw ko.

"May mga bisita ka."

Bisita?!

Parang biglang pumalakpak ang mga tenga ko pagkarinig ko sa sinabi ni Kuya.

Pero sino naman ang bibisita sa akin? Wala naman akong sakit para puntahan ako ni Emz. Pupunta lang naman kasi yon dito pag may sakit ako, yong tipong hindi ko kayang pumasok.

Malamang hindi rin si Jean Kaye yon dahil siguradong hindi na mag aabala pang tawagin ako ni Kuya Seg dito sa kwarto.

"Hoy Mira Jane? Ano ba!"

"Oo lalabas na."

Binuksan ko ang pinto saka sumilip at nakita ko nga na nakaabang sa akin si Kuya dito sa labas ng pinto.

"Sino daw yon Kuya?"

"Ellaine at Atasha daw."

"Weh?"

Biglang nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.

Si Ellaine at Atasha?

Mga kaibigan ni Jean.

Anong ginagawa nila dito?

"Mga kaibigan mo ba talaga yong mga iyon?"

"Ahh oo."

Tumango-tango ako.

"Ang gaganda nila. Sigurado ka ba?"

"Kuya, ano namang akala mo sa akin. Walang karapatan na makipagkaibigan sa magaganda?"

"May sinabi ba ako?"

"Hmp! Diyan ka na nga."

Pababa na ako ng hagdan nong maalala kong nakapambahay lang ako kaya nagmadali ulit akong pumasok ng kwarto para magbihis.

"Kuya paki sabi saglit lang, ha? Magbibihis lang ako."

"Bilisan mo."

"Oo na."

Nagmadali na akong magbihis.

Nakakahiya naman kasi na humarap sa mga kaibigan ni Jean na parang gusgusin ang itsura ko.

Pagbaba ko ng hagdan pareho silang nakangiti sakin.

Simple lang si Atasha sa suot niyang maong na short at sleeveless na blouse pero talaga namang napakaganda niyang tingnan samantalang si Ellaine nakasuot naman ng tight jeans na butas-butas ang style habang ang pantaas niya ay sando lang kaya litaw na litaw ang malulusog niyang boobs. Ang seksi niyang tingnan.

"Hello, good morning."bati ko sa kanila.

"Hi Mira Jane. Kumusta?"si Atasha saka ito lumapit sa akin para humalik sa pisngi ko at ganon din si Ellaine.

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon