Chapter 67

33.4K 931 75
                                    

Mira Jane Garcia

"Dahil magdi-date kami ni Ellaine mamaya eto na yong dagdag sa usapan natin na five hundred."

Natigil ang pagnguya ko ng mais nong iabot sa akin ni Kuya yong five hundred na pera.

Nakatitig lang ako sa inaabot niya habang naka-indian sit ako dito sa sofa.

"Oh, bakit tinititigan mo lang? Ayaw mo ba?"

Umiling ako saka ako nagpatuloy sa pagnguya.

Kapag tinanggap ko yong pera para ko ng kinukunsinte si Kuya na mambabae.

"Kuya, di ba may GF ka? Bakit ka makikipagdate kay Ellaine?"

Nakokonsensya ako. Una, baka mainlove si Kuya kay Ellaine. Alam ko naman na ginagawa lang ni Ellaine ang makipag kita sa Kuya ko para lang makasama ko si Jean. Pangalawa, baka masira ang relasyon ni Kuya at ng Gf niya dahil pumayag ako sa plano ni Jean.

"Nagkakalabuan na kami kaya okay lang. Isa pa, date lang naman, eh. Di naman ako nanliligaw kay Ellaine. Saka na siguro pag break na talaga kami ni GF."

Grabe talaga tong Kuya ko. Napakatuso.

"Akin na nga yang five hundred."

Agad kong hinablot sa kamay ni Kuya yong pera bago pa niya maibulsa.

"Sabi ko na nga ba't nagkukunyari ka lang na ayaw mo. Tsk tsk tsk. Dapat mukha mo na lang yong ipalit diyan sa five hundred."

Nginitian ko lang siya saka ko winagayway tong pera sabay pasok sa bulsa ko.

May pera ulit ako!

Pagdating ng hapon lumabas na si Kuya para sunduin si Ellaine para sa kanilang date.
Halatang masaya si Kuya. Hay naku bahala nga siya.

Babaero talaga!

Pagkalabas na pagkalabas niya sumunod na rin akong lumabas, eksakto naman na nag aabang na rin si Jean Kaye sa may kanto.

Sa dating tagpuan.

"Hi, for you Mira Jane."

Natuwa ako nong abutan ako ni Jean ng isang pirasong red rose pagpasok ko dito sa kotse niya.

"Thank you. Ang sweet mo impakto. Di bagay sayo."

Napangiti lang ito sabay hawi ng buhok niya.

Nagmamaganda 'tong impakto.

"Ikaw na ang maganda. Pero thank you ulit dito sa bulaklak."

Kahit mag isang bulaklak lang ang ibinigay niya napakabango pa rin ng amoy nito.

"You're welcome. So paano, iiuwi muna kita sa amin."

Napangiti ako habang nakadikit dito sa ilong ko itong bulaklak.

"Okay lang ba 'tong suot ko?"tanong ko sa kanya.

Naka tight jeans, wedge at simpleng blouse lang kasi ako.

"Of course. You look pretty lalo na pag simple lang ang suot mo. Ayoko na lumalabas yang cleavage mo, yang singit mo. Blah blah blah, okay?"

"Wala naman akong ipapakitang cleavage. Mas malaki pa nga yang boobs mo sakin."sagot ko sa kanya.

"Uy di ah, haha! Pero kung meron man ako, wag kang mag alala. Di naman ako nagpapakita ng alindog. Maliban na lang kung kinakailangan."

"At kanino mo naman ipapakita yang alindog mo, aber?"pinanlakihan ko siya ng mata sabay taas-baba ng kilay ko.

"Kanino pa kundi sayo. Ikaw lang naman kaya yong klase ng tao na wala man lang kahit konting bahid ng kahalayan sa katawan!"

"Palibhasa puro kalaswaan yang nasa utak mo!"sagot ko.

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon