Chapter 73

35.1K 934 167
                                    

Mira Jane Garcia

Napasilip ako sa labas ng bintana at nakita ko ang bahagyang pagbuhos ng ulan. Medyo masama pa ang pakiramdam ko pero kailangan kong lumabas para sa project namin sa photography.

"Ma, aalis muna po ako. May project po kasi kami kailangan kong kumuha ng mga larawan. Baka gabihin po ako pero kasama ko naman po si Emz sa pupuntahan ko kaya huwag po kayo masyadong mag-alala, ha?"paalam ko kay Mama habang sinusuot ko tong rubber shoes ko.

"Akala ko ba may lagnat ka pa? Ang lakas ng ulan hindi ba pwedeng sa ibang araw na lang yan?"

"Hindi po, eh. Pero may dala naman po akong kapote at magdadala rin po ako ng payong."

"Uminom ka na ba ng gamot?"

"Opo."sagot ko kahit hindi naman ako uminom ng gamot. Hindi kasi ako sanay uminom ng gamot kaya hinahayaan ko na lang na mawala ng kusa 'tong lagnat ko. Kaso ilang araw na di pa ako tuluyan na gumagaling. Pabalik-balik tong lagnat na 'to.

"Sige basta mag-iingat kayo."

"Opo, Ay Ma?"

"Oh?"

"Pengeng baon?"

"Ano ka ba naman Mira! Kabibigay ko lang ng  pera sayo kahapon. Wala na?! One thousand yon!"

"Pinangkain ko po."sagot ko."Tsaka ibinili ko po ng gamot para gumaling na ako."

"Ikaw talagang bata ka."naiiling na dumukot si Mama sa wallet niya.

Napangiti tuloy ako. May pinag iipunan kasi ako kaya kailangan kong humingi ng dagdag baon kay Mama.

"Umuwi ka agad pag natapos yang project niyo."sabi niya sabay abot ng pera.

"Opo, Ma. Thank you po. Aalis na po ako."paalam ko saka ako lumabas ng bahay.

Binuksan ko agad ang payong na dala ko para hindi ako mabasa at naglakad na ako patungong gate.

Pagdating ko ng gate napansin ko agad yong nakaparadang kotse sa labas.

"Miss Garcia, gusto po kayong makausap ni Mrs. Emerson. Ipinapasundo po niya kayo."

Isang matangkad na lalake na nakasuot ng black suit ang bumungad sa akin habang nakapayong ito.

"Bakit daw po?"

Hindi ito sumagot basta binuksan nito ang pinto ng kotse at inilahad niya ang kamay niya, sinyales na pumasok daw ako sa loob ng sasakyan.

Hindi ko alam kung susunod ako o tatanggi pero Mommy ni Jean ang nagpapatawag sa akin.

Pero nag aalangan akong sumakay baka mamaya ipapasalvage pala nila ako.

O di kaya naman ay-.

"Miss Garcia, sumakay na po kayo."

Natigil ang pagiisip ko nong magsalita ulit yong lalake.

"Huwag po kayong mag alala. Gusto lang po kayong makausap ni Madam."

Tumango lang ako saka ako sumakay,

Kakausapin lang naman pala, eh. Kung anu-ano naiisip ko.

Pero sa totoo lang kinakabahan ako.

Napatingin ako sa relo ko. Maaga pa naman, hindi naman siguro ako malilate sa usapan namin ni Emz.

Ilang minuto din ang naging byahe namin nong huminto ang sasakyan dito sa tapat ng isang mataas na building. Binuksan ko ulit ang payong ko paglabas ko ng sasakyan. Napatingala ako at napansin ko ang pangalan ng building ay "EMERSON......".

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon