Chapter 25

87.5K 1.2K 150
                                    

Jean Kaye Emerson

NAPAHIKAB ako habang hinihintay sina Jill at Anne dito sa bench.  Katatapos lang ng pang umagang klase namin. Naiwan pa yong dalawa sa classroom kaya nauna na kaming lumabas ni Jo. Antok na antok ang pakiramdam ko kaya humilig muna ako sa balikat niya, wala naman siyang reklamo.

"Jean tingnan mo to. Ang ganda no? She's the daughter of one of the most famous Engineers dito sa bansa. She's hot and beautiful, pag yan nabingwit mo na naman bibilib na talaga ako sayo. Very charming and charismatic, di ba?"

Napatingin ako sa hawak na Ipad ni Jo habang isa isang pinapakita ang mga larawan ni Enrika Mendez.

Narinig ko na ang pangalan niya sa mga kaibigan kong lalake dito sa Campus. Ang alam ko kumukuha siya ng tourism, malayo sa propesyon ng kanyang mga magulang na parehong Engineer.

"No wonder every guy wants to date her." dugtong niya.

Iba ang mga ngiti ni Jo habang tinitingnan yong mga pictures ni Enrika Mendez. Maganda nga siya at sexy pero bakit parang iba ang nasa isip ko?

"So, what do you think? Okay ba siya?"

Tumaas ang dalawang kilay ko sabay hinga ng malalim sa tanong ni Jo.

"Yeah, okay na rin."

Yong reaksiyon sa mukha ni Jo na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Okay na rin?!!! Wooh di ko ine-expect na yan lang ang maririnig kong sasabihin mo. Anong nangyari sayo? Ikaw ba yan?"

Bigla niyang hinawakan yong noo ko at sinalat ang leeg ko.

"Tsk! tumigil ka nga Jo! O-ou, ako to. Adik ka ba!" 

Tumaas ang kilay niya.

"Hmm don't tell me nag-iba na ang taste mo pagdating sa babae, Jean?"

"Ahh I'm not sure pero..." huminga ulit ako ng malalim.

"Pero ano?"

Umiling-iling ako.

Pano ko ba sasabihin kay Jo? Iba na kasi ang nararamdaman ko para kay Mira. Siya halos ang lagi kong iniisip at lagi kong hinahanap-hanap, at nasabi ko minsan na mahal ko na siya. Kaso pag sinabi ko kay Jo ang tungkol sa nararamdaman ko siguradong pagtatawanan niya ako.Hay asar!

"Ano na?! Malihim ka na!"

"Hindi naman sa ganon. Tsk hay!"

Bumuntong hininga ulit ako saka nagsalita.

"Jo, what if ma-in-love ako?"

Seryosong tanong ko habang nakatitig sa kanya. Alam naman kasi ni Jo na kahit kailan hindi pa ako nakaranas na magmahal ng totoo. Dumaan na ako sa maraming relasyon pero wala ni isa ang sineseryoso ko. Kapag naisipan kong maki-pag break, basta ko na lang hihiwalayan kung sino ang maisip ko. Ganon lang ang buhay ko, kung may isang bagay man akong sineseryoso yon ay ang pagaaral ko at idagdag na rin ang paglalaro ko ng Volleyball, maliban diyan puro na lang ako kalokohan. Pero nag-iba na lahat nong may isang sumampal sakin at pinamukha talaga sakin na hindi lahat ng bagay na gugustuhin ko ay makukuha ko, yon si Mira. Pero kahit anong gawin ko hindi ko siya magawang mapaamo, mailap talaga siya.

"Anong masama kung ma-in-love ka? Basta wag lang sa akin ha? Nakakadiri yon! Uhh... Wait! Don't tell me you're in-love with that girl?!...Oh shet! Si...si Bogart?!"

Napasigaw sa pagmumukha ko tong si Jo. Putek na to!

"Yang bunganga mo nga! Baka marinig ni Jill!"

Wala na akong nagawa nong biglang humalakhak si Jo.

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon