Chapter 93

26.9K 809 218
                                    

Jean Kaye Emerson

"I'm in love! Ohhh I'm in love yeah yeah yeah!!!"

Pakanta-kanta ako habang nagtutuyo ng buhok gamit ang blower. Katatapos ko lang maligo. Masarap pala talaga sa pakiramdam ang umibig. Napapangiti ako at kinikilig.

"Ohh I'm in love!!!!!"napapasayaw pa ako habang malakas ang boses kong kumakanta.

Natigil lang ako nong mapansin kong umiilaw ang screen ng phone ko. Sinuot ko muna ang damit ko saka ko ito nilapitan.

Si Jo. Tumatawag.

Dinampot ko ang phone ko saka ito sinagot.

"Yes, Jo?"

"Jean, did you read what's on the news today? You won't believe this."

"What? Wait! Wait! Wait! Ano bang pinagsasabi mo?"

"Sigurado ka bang hindi mo alam 'to? Nasa front page ka."

"Front page?"ulit ko.

"Yes. Front page sa isang diyaryo. Wala ka bang idea rito?"

"Wala. Ano ba kasi yan?"

"Huwag kang mabibigla. Pero mukhang naisahan ka rito, may mga pictures ka....kasama ang family mo and the Carlos family."

Para akong natulala sa narinig ko kay Jo.

"Kuhanan ko ng picture tong news then send ko sa iyo para makita mo."

"Okay."sagot ko na para ba akong kinakabahan. Sa pagkakasabi pa lang niya na Carlos family ay kinukutuban na ako ng hindi maganda.

Ilang saglit lang ay umilaw ulit ang screen ng phone ko at mukhang iyon na ang sinasabi ni Jo na picture.

Agad ko itong binuksan at ganon na lang ang pagkagulat ko.

MANILA - FAMOUS VARSITY PLAYER JEAN KAYE EMERSON DAUGHTER OF A BUSINESS TYCOON AND PHOTOGRAPHER BONG CARLOS, RECENTLY GOT ENGAGED.

God! This is insane!

Kung hindi pa tumawag si Jo hindi ko pa malalaman ang bagay na ito.

Si Dad!

Malamang si Dad ang may pakana nito! Sino pa ba kun'di siya lang ang pwedeng gumawa neto.

Taas baba ang dibdib ko, dahil na rin sa halu-halong emosyon na nararamdaman ko. Pagkabigla, galit at pag aalala na baka kumalat ang balitang ito.

Sinadya ko ang library pero wala doon si Dad. Habang naglalakad ako rito sa hallway ay si Ivan ang nakasalubong ko.

"Nasaan si Dad?"

"I don't know. Maybe nasa room pa nila. Hey! Bakit parang mainit na naman ang ulo mo, JK?"

"Ivan may kinalaman ka ba rito?"

Pinakita ko sa kanya ang phone ko.

"Woah ridiculous! Hinding hindi ko yan magagawa sa iyo, JK. Believe me wala akong alam tungkol diyan."

"Damn it! Ganon na lang ba sila ka-desperado para ipakasal ako sa hayup na Carlos na yon?! Have they lost their minds?! So what kung marunong siyang magmanage ng negosyo? Ganon na lang ba kaliit ang tingin ni Dad sa akin?! Porket babae ako at sa tingin niya hindi ko iyon kaya?!"

Sa sobrang pagkainis dirediretso ako sa pagsasalita.

"JK, slow down. Kausapin mo muna si Dad kung totoo man iyan bago ka magsalita against him. Please relax ka lang."

"Relax? How can I relax kung ganito ang makikita mo sa balita? Ni wala akong ka-alam alam sa bagay na ito. Malamang pinag uusapan na ako ng iba at hindi lang iyon, paano kung mabasa ito ni Mira Jane? Anong mukhang ihaharap ko sa kanya?!"

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon