Chapter 3

2.7K 129 27
                                    

Good morning!
Tag-ulan ngayon lagi kayong magdala ng payong niyo para hindi kayo nakikipayong sa iba haha. Mahirap yung kalahati lang ng katawan mo ang napapayungan pero pwde rin naman baka magkamoment kayo ng kasana niyo sa payong hahaha.
Tapos yun na pala simula ng love story nyo haha.
Wag magpapaulan if hindi naman kailangan. Takecare babies!

---------

"Manang alis nako."

"Ingat ka ijo."

Bitbit ko ang mga gamit ko palabas ng bahay. Gamit ko ang lumang kotse ko este ni Iziah. Hindi pa naman ito ganon kaluma. Ito lang ang napili kong gamitin dahil ayokong isipin nilang nilulubos ko ang pagpapatuloy nila sakin.

After all hindi na ako si Iziah. Isa nalang akong ordinaryong lalake na walang pamilya na nakikitira sa sarili kong bahay. Sighed.

"Hello sir ano pong pakay niyo sa loob?." Harang sakin ng guwardya mula sa gate ng school na dati kong pinapasukan.

"Mag e-enroll lang boss."

Kahit hindi na ako si Iziah ay kinakailangan ko paring ipagpatuloy ang pag-aaral ko.

Kung sakalimang matagal akong mananatili sa katawan nato ay kakailanganin ko ng diploma para makahanap ng matinong trabaho.

Pero sana naman bumalik nako sa totoong ako. Ayokong manatili sa katawan ng taong to. Ni hindi nga niya alam ang salitang proper hygiene. 

Pagwa-wax lang ng buhok sa katawan hindi niya pa magawa ewww.
Mukhang kailangan kong pumunta ng salon this week.

"Okay na po ma'am pwde napo kayong pumasok sa loob."

Binuksan nito ng todo ang gate kaya ipinasok kuna ang kotse ko.

"Salamat kuya guard." Hindi naman mahirap kausap ang mga guard dito.

Pumarada ako sa parking lot bago tuluyang tumungo ng admission.

Tuloy-tuloy lamang ang aking paglalakad kahit kung ano ano na ang mga bulungang naririnig ko mula sa paligid.

Ngayon lang nakakita ng gwapong lalake mga teh?

"Hi. Pogi pwdeng kunin no. mo?" Nilagpasan ko lamang ang babaeng humarang sakin. Anong tingin niya sakin p.o.k sa walking street.

Narinig ko ang tawanan nila ngunit hindi ko na ito pinansin pa. Pahiya siya.

Hindi ko napansin na may tao pala sa harapan ko kaya nabangga ko ito. Ang tanga lang.

"Sorry----"

Paghingi niya ng paumanhin though ako naman talaga ang may kasalanan sa nangyari.

"Okay lang." Kasalanan korin naman pero mas kasalanan mo dahil hindi ka umiwas.

Tinulungan ko itong tumayo. Si Eli nako ngayon at hindi na si Iziah. Magiging gentleman ako kahit slight lang. Mga 1.4%

Aalis na sana ako ng pigilan niya ang braso ko.

Anong problema ng mga babaeng to?

"Bago kaba dito?" Hindi ako sumagot.  "Mukhang bago ka ngayon lang kita nakita eh."

"Alam mo naman pala magtatanong kapa." Mukhang hindi nito inaasahan ang naging sagot ko.

Napakamot ito sa ulo at binitawan ang braso ko.

"Gusto mo samahan nakita sa pupuntahan mo?" Hindi ba niya magets na hindi ko kailangan ng tulong.

"Savannah nga pala."

This time ay nakangiti na siya habang nakalahad ang kamay niya sa harapan ko.

Seryoso ba siya?

"Arte."

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon