CHAPTER 42

1.1K 70 1
                                    

IZIAH POV

Pagtilaok palang ng manok ay gising na gising na ang diwa ko. Hindi ko alam kung san galing ang manok basta narinig ko may tumilaok.

"Manang pwde po bang kayo na muna ang umasikaso sakanila habang wala ako may mahalaga lang po akong aayusin."

"Wala pong problema ma'am kami na pong bahala kina madam." Nagpasalamat ako rito bago ko kinuha ang susi ng kotse ko. Hindi ang van ang gagamitin ko dahil mas mahihirapan lang akong magmaneho kung ganon kalaki ang mamanehuhin ko.

"Ma'am" Nagtataka ako kung bakit humahangos ang dalawang body guard na kinuha ko para magbantay kay nerd. 

"Anong nangyayari? nasan si ner--ang ipinababantay ko sainyo?" wala siya sa kwarto ng silipin ko ito. 

"Ma'am sorry po pero bigla nalang pong nawala ang ipinababantay niyo samin kanina. Pumunta na po kami sa cctv station nila at doon po namin nalaman na itinakas po siya ng isang taong nagpanggap na nurse. Ma'am sorry po talaga hindi po namin napansin na peke po pala ang nurse na pumasok sa loob."

Nanlambot ang mga binti ko sa aking narinig. F-ck! sinong kumuha sakanya?

Ang lakas ng kutob ko, para bang alam ng taong yon na pupunta ako rito para tanungin si nerd tungkol sa nangyari sakanya. Pero paano? Paano niya nalaman na gising na si nerd gayong ako lang naman ang tinawagan ng guards ko. Impossibleng may makaalam na gising na si nerd unless may acess ang taong yon sa ospital.

Pagkapasok ko ng kwarto ay ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at nagpatihaya. Nakatingin lamang ako sa kisame habang iniisip kung sino ang kumuha kay nerd.

Napaupo ako bigla sa kama. Hindi kaya siya rin mismo ang nagplano non? Possibleng may kasabwat siya sa loob ng ospital at nalaman niyang pupuntahan ko siya at iinterogate kaya umisip siya ng paraan para makatakas.

Ano ba talagang gusto mong mangyari nerd?

Bakit mo ko minulto noon?

Bakit paulit ulit mong sinasabi sakin na paparating na siya para sakin? Sinong paparating?

Planado mo ba ang lahat ng to? Nagpanggap kabang na coma para takutin ako at mag disguised bilang multo? 

"Argh mababaliw nako kakaisip. Ano ba talaga ang totoo nerd!"

Ginulo gulo ko ang buhok ko dala ng prustasyon sa kakaisip kung ano ang totoo.

Gusto kong maniwalang walang kinamalaman dito si nerd. Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano siya biglang naglaho noong gabing nakita ko siya.

Kung nagpapanggap lang siya para takutin ako paano ko maipapaliwanag ang biglang pagsulpot at pagkawala niya. Kahit sino ay hindi magagawa yon tanging sa movie lang meron ganon. Kung magtatago siya ay siguradong malalaman ko hindi rin naman siya makakalabas ng kwarto ko ng walang nakakakita sakanya.

Lumabas ako ng veranda para silipin kung may lubid ba o hagdan para maging instrumento ni nerd pababa ng kwarto ko pero wala akong nakita.

May narinig akong ingay mula sa labas nakita ko ang isang taong nakasakay sa motor. Nakasult siya ng black leather jacket at black jeans na pinaresan ng black boots. Red ang kulay ng motor niya na mukhang Isuzu pa ang tatak.

"Hoy!" Mabilis nitong pinaharurot ang motor niya paalis habang ako naman ay nagmadaling tumakbo palabas. Wala pakong sapin sa paa sa kamamadali.

Binuksan ko ang gate at tinanaw ang daang tinakbuhan ng motor niya ngunit wala nakong nakitang sinoman ron. Papasok na ako ng bahay ng may tumamang kung ano sa paa ko. Isang kahon na itim ang kulay may nakasulat sa taas nito at yon ay pangalan ko.

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon