CHAPTER 45

1.8K 68 16
                                    

Warning! Medyo marahas po ang mga words dito kaya skip nalang kung ayaw niyong makabasa ng ganon. Thank you.


Pillow POV

Pagbaba ko ng kotse isang mainit na yakap ang sumalubong sakin. "Ang apo ko ang ganda ganda." Pisil pa ni lola sa pisngi ko.

"La bata palang po ako ay maganda nako." Mas gumanda lang ngayon.

"Ikaw talagang bata ka." Nagtawanan kaming dalawa ni lola. Namiss ko siya ng sobra. Naaalala ko noong highschool ako siya lahat ang nag-aasikaso sakin, umaanttend sa mga PTA meeting nakakamiss din pala ang mga panahong yon.

Lumapit naman ako kay lolo para sana yakapin siya ngunit binigyan lamang ako nito ng seryosong tingin. Natakot ako lalu na't sa tyan ko siya nakatingin.

"L-lo" pumasok ng bahay si lolo kaya naiwan akong bagsak ang balikat. Hinimas ko ang aking tyan di dapat ako makaramdam ng stress at baka makasama sa baby ko.

"Hayaan mo nalamang ang lolo mo pasasaan pa't matatanggap niyarin ang lahat." Tipid akong ngumiti kay lola.

Alam kong higit sa lahat ay siya ang madidisappoint. Ako ang kaisa-isa nilang apo kaya ako lang rin ang inaasahan niya sa negosyo namin kaya lang ay napabayaan ko yon dahil sa pagbubuntis ko.

"Don't worry baby matatanggap rin tayo ni lolo." Hinimas ko ulit ang tyan ko bago tuluyang pumasok sa bahay.

Tinulungan ako ni lola sa pag-upo bago siya tuluyang tumabi sa tabi ni lolo. Naging tahimik ang hapagkainan, hanggang sa matapos kami ay hindi manlang ako nagawang tapunan ng tingin ni lolo.

Si lolo ang pinaka close ko sa lahat kaya mas nasasaktan ako ngayon dahil hindi niya ako pinapansin.

"Mom." Tawag ko kay mommy nasa kwarto ko na kami at tinutulungan niya akong mag-ayos ng mahihigaan ko. "Galit ba si lolo sakin?" She stunned a bit bago umiling.

"Hindi galit sayo ang lolo mo hindi niya lang inasahan ang mga nalaman niya." Hindi ako satisfied sa sagot ni mom. Alam ko namang sinabi niyalang yon para hindi ako mag-isip.

Tumigil siya sa pag-aayos ng unan ko at umikot papunta sa kinaroroonan ko. Hinaplos ni mom ang buhok ko. "Hayaan mo kakausapin ko ang lolo mo at ipaiintindi sakanya ang lahat. Wag ka ng mag-isip ng kung ano at baka makasama pa yan sa apo ko." Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil sa unang pagkakataon ay narinig ko ang salitang apo sa bibig ni mom.

"Magpahinga kana." Sabay halik niya sa noo ko.

"Good night mom."

"Good night anak." Pinatay nito ang main switch kaya tanging lampshade nalang ang nagbibigay ilaw sakin.

Medyo nahirapan ako sa pagtulong sa sarili kong kwarto siguro dahil matagal narin akong hindi nakakatulog dito at isa narin don ang dahilan na hinahanap hanap ko ang presensiya ni Zi.

Namimiss ko na ang amoy niya pati ang halik niya sa mga labi ko lalu na ang mainit niyang mga palad na kapag dumadampi sa balat ko ay parang nag-iiwan ng paso sakin.

Napakagat labi ako sa ala-ala naming dalawa ni Zi. Gosh parte pabato ng paglilihi ko o iba na? Nag-iinit ang katawan ko kapag naaalala ko siya.

Kailangan ko ng maiinom.

Bumaba ako ng kama at marahang lumabas ng kwarto. Papasok na sana ako sa kusina ng makarinig ako ng boses.

"Pa, alam niyo naman ang sitwasyon diba! Ayoko ng maulit pa ang bungungot na nangyari noon kaya please pa.. Wag niyo namang gawing kumplikado ang lahat.."

Hindi ako pwdeng magkamali boses ni mommy yon.

Sinong kausap niya? Si lolo.

"At ano sa tingin mong gagawin ko ha Devina! manahimik nalang at tanggapin ang babaeng yon pagkatapos ng ginawa niya sa apo ko! Hindi ako makakapayag na makasama ng demonyong yon ang apo ko!"

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon