Chapter 34

1.2K 74 11
                                    

"Sigurado kabang effective to?" Tanong ko kay ruru.

Nandito kami sa bar na pagmamay-ari ni Ms.Autumn. Ang sabi niya ngayon namin isasagawa ang naisip niyang plano kaya mula pa kanina ay nandito kami sumasayaw, umiinom, nagpapakawild ay siya lang pala.

Kumapit siya sa magkabilang balikat ko tapos ay umindak sa saliw ng musika.

"Sa dami ng matang nakatingin satin kanina hindi impossibleng hindi matupad ang plano." Talagang confident siya na susugod dito si Ms.Autumn para lang ilayo ako sakanya.

Ano nga ba ang plano nitong magaling kong kaibigan? Well, magpapanggap daw akong lasing habang siya naman ay nakikipagflirt sakin. Which is successful talaga dahil kanina pa namin nakukuha ng atensyon ng lahat. Wala ba namang pinalampas itong isa, maski sa table namin, sa counter at ngayon naman sa dance floor talagang tinodo niya ang paglalandi sakin.

"Taena umusog ka namang konti." Nagtatama na kasi ang dibdib naming dalawa sa sobrang lapit niya.

"Babe kung malayo ako tingin mo ba maniniwala silang naglalandian tayo." Kung sabagay may point naman siya ron.

Hinayaan ko nalang siya sa kung anong gusto niyang gawin, sumasabay nalang ako sa music na kanina pa nag-iingay sa buong paligid.

"Inom muna tayo." Tumango ako. Bumalik kami sa table namin at uminom ng kung ano anong uri ng alak.

Akala ko ba kunwari lang na lasing ako pero bakit parang nagiging totoo na sa dami ng nainom ko at mga natitira pang alak na nasa mesa namin.

"Wala pa ba?" Inip na tanong ko. Iginala niya ang tingin niya sa buong bar.

"Wala pa pero sigurado akong nagkukumahog nayon sa pagpunta dito. Wag muna muna siyang hapain uminom nlang muna tayo. Cheers!" Iling kong ipinukpok ang bote ng beer sa boteng iniinom niya.

Bagsak na ang ulo ko sa dami kong nainom pero wala parin Autumn na sumusulpot.

"Oy sanka pupunta?" Hindi ko na kaya naiihi na talaga ako.

"Restroom lang." Tumango ito. Kamuntik pakong matumba sa unang pag-apak ko. Umiikot ang mundo ko sana kayo din.

"Tulungan na nga kita sa banyo baka sa lababo kapa umihi hihi."

"Gag* ang baboy non haha." Kagaya ng huwisyon niya ay inalalayan niya nga ako mula cubicle. Taena neto gusto lang akong makitang umiihi hindi pa sinabi.

"Tanga hindi diyan ang lababo dito" hinablot niya ang kamay ko.

"Nalipat na pala haha." Iiling iling naman ito habang hinihintay akong matapos maghugas.

Inabutan na niya ako ng tissue pampunas ng basa kong kamay hanggang sa makabalik nakami sa table.

"Hanu nah walah pabah?" Punyemas yan gusto ko ng umuwi inaantok na talaga ako.

"Wala pa nga. Umayok ka nga ng upo! Buka ka ng buka diyan akala mo hindi ka nakaskirt!" Malay ko bang nakaopen na pala ang mga binti ko. Wala na nga akong maramdaman maliban sa ulo kong umiikot.

"Haist! Mabubulilyaso pa yata ang plano ko. Isara mo nga yan bwisit ka!" Pilit niyang ipinagdidikit ang mga binti ko para raw hindi ito bumukaka pero dahil nga inaantok na talaga ako ay wala nakong paki-alam sa kung ano mang itsura ko ngayon.

"Khamay moh! Masyadoh ng malapit sa ano koh!" Hampas ko ng kamay niya.

Tsansing na talaga to eh.

"Meron din ako niyan. Wag ka ngang oa." Inirapan ko ito. Sinabi ko bang wala siya.

Tuluyan ko ng inilapat ang pisngi ko sa pisngi ng mesa. Ang lamig ang sarap sa pakiramdan.

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon