Chapter 14

1.5K 77 3
                                    

Iziah/Eli POV

Sawakas! Dumating din ang araw kung kailan makakapagpawax ako ng buhok sa katawan.

Gosh. Halos buwan koring tiniis itong mga buhok nato. Akala niyo ba masayang magkaron ng buhok na parang buhok ni pedro penduko pwes ako ng magsasabi sainyo na HINDI masaya.

Ang arte arte ko sa katawan tapos noong naging lalake ako lahat ng ayaw ko na magkaron ako ay nasakin na.

Isama niyo nayong kargada na sobrang hirap itago lalu na kapag nakafitted jeans ka tsk.

"Good morning sir."

"Good morning din." Bati ko sa staff ng salon na pinuntahan ko. "Remove all my hairs. Pakinisin niyo ang buong katawan ko lalu na dito." Walang hiya na kung walang hiya pero totoo lang tayo rito.

Pinatuloy nila ako sa isang kwarto. Inuna nilang alisin ang buhok ko sa binti hanggang sa kamay. Isinama ko narin ang mangilan-ngilang balbas na tumutubo na sa baba ko.

Kung paramihan ng buhok masasabi kong panalo talaga ang mga lalake. Buwan buwan ba namang tinutubuaan ng balbas.

"Ready sir?" Huminga muna ako ng malalim bago sumagot dito.

"Yes.." Kinakabahan ako sa susunod na mangyayari.

Napakuyom ako ng palad at iniwadang mapasigaw sa sakit. F*ck! Para akong binalatan ng buhay sa sakit ng pag-tanggal nila ng buhok sa katawan ko.

Pagkatapos nilang gawin ang lahat ng kaartehan sa katawan ko ay unti-unti naring nawala ang sakit na natanggap ko kanina. Humarap ako sa salamin na nasa kwarto at wala nakong nakitang buhok sa baba ko. Maging ang mga braso at binti ko malinis naring tignan lalu naman yung baba.

Lumabas ako ng kwarto at nagbayad na. Nagbigay narin ako ng tip kahit papaano bago tuluyang lumabas ng salon.

Parang artista ako kung pagtinginan ng mga tao. Sanay ako sa tingin ng iba noong si Iziah pako. Alam ko naman na mukha akong dyosa kaya hindi na bago sakin ang tapunan ako ng tingin ng lahat pero noong naging lalake ako.

Nawalan ako ng pake sa itchura ko. Nagagawa ko ngang lumabas ng bahay ng walang suklay suklay hindi kagaya noon na mahaba pa ang buhok ko. Napakarami ko pang ritwal bago ako makalabas ng bahay.

Sige lang tignan niyo lang ako hanggat gusto niyo sa susunod may bayad nayan.

May nakasalubong akong mga dalaga na tingin ko ay nasa SHS palang. Halata ang kilig sakanila noong tapunan ko sila ng tingin. Naaalala ko yung araw noong nasa SHS palang ako ganito din ako kiligin sa crush ko nasi Jaycee. So ganito pala ang itchura ng makita ang lalakeng kinakikiligan mo.

Ngumiti ako sakanila bago sila tuluyang lagpasan. Narinig ko pa ang pagtili nila bago ako tuluyang makalayo dahilan para mapailing ako.

Pumasok ako sa kilalang nagbebenta ng mga pampaganda pero hindu kagaya noon na parati akong dumidiretso sa cosmetic side ay sa mga skin care product ang diretso ko ngayon.

Kailangan ko ng moisturizer para hindi magdry ang balat ko ngayon na wala nakong masyadong buhok sa balat siguradong prone ako sa pagddry ng balat.

Kumuha ako ng kilalang brand ng isang moisturizer at kumuha narin ako ng night cream pati narin sunscreen para protektado tayo palagi sa araw.

Nakakamiss din palang magshopping ng mga pampaganda. Sana madalas kong magawa to. Pero ngayong gipit ako at walang mapagkukunan ng pera mukhang impossible pa ang bagay nayon.

Nakaramdam ako ng gutom kaya pumasok ako sa isang italian resto. Nag order lang ako ng pasta at drinks. Gipit tayo today kaya tipid tipid muna.

"Eli!" Napaangat ako ng tingin sa taong tumawag sakin. Mabilis akong tumayo ng makilala ko kung sino ito.

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon