Chapter 15

1.6K 73 1
                                    

A/N: Puyat days 😵 last UD for today

Iziah/Eli POV

Simula ng hiningi ko kay Ruffa ang bracelet nato ay parang may kung anong nagbago sakin. Hindi ko lang alam kung ano pero hindi na kasing bigat nung feeling ko dati yung feeling ko ngayon.

Para bang unti-unting nawawala yung bad spirit na ki-nast sakin ni Nerd. Hindi ko narin nakita pa si Nerd sa school o sa mga lugar na pinupuntahan ko. Hindi kagaya noon na kapag nasa isang lugar ako ay bigla bigla nalang siyang sumusulpot.

Para siyang sumpa na nakadikit sakin kaya kung nasaan ako ay nandon din siya.

"Eli!" Nakangiti kong sinalubong ang ngayo'y paparating nasi Pillow.

"Hey." Mabilis ko niya akong niyakap kaya niyakap ko rin ito pabalik. Nakarinig ako ng ilang bulungan. Mag jowa raw ba kami ni Pillow o magkapatid. Hello may magkapatid bang nagyayakapan ng ganito kahigpit tapos may panakaw na halik pa sa labi. Tsk scotch tape-pin ko nga bibig niyo eh.

"Ngayon nalang ulit kita nakita dito pumapasok kapaba?" Natatawa naman ako nitong pinalo sa braso.

Kahit hindi kami magkapareho ng course ni Pillow ay madalas parin kaming magkita sa may field yun kasi ang una naming dadaanan bago makarating sa bawat buiilding.

Tyaka kapag ipinapark ko ang kotse ko ay nakikita korin ang kotse niya sa may kalayuan pero nitong mga nakaraang araw e hindi ko na masyadong nakikita ang kotse niya kaya naiisip ko na baka hindi na ito pumapasok for some reason.

"Oo naman. May mahalaga lang akong inaasikaso sa kumpanya ng daddy ko. Anyway kumain kanaba?" Umiling ako. "Edi kumain na tayo." Masaya ako nitong hinila papunta sa cafeteria.


"Ako na ang mag-oorder satin." Tumango nalang ako rito. Ayoko namang sirain ang kasiyahan niya.

Si Pillow ay isang maalagang babae, at kagaya ng sinabi ko noon ay talagang pinagsisilbihan niya ako. Siguro isa ito sa mga rason kung ba't ako tuluyang nahulog sakanya.


"Kung sinuswerte ka nga naman." Rinig kong usal ng isang lalake kaya napalingon ako rito.

Kilala ko siya. Siya yung varsity player ng soccer team. May kasama rin pala siya siguro mga players din kasama niya.

Ano namang ganap ng mga dimuhong to?

Bigla nitong iniapak ang marumi niyang sapatos sa kinauupuan ko. Tingin ko ito yung sapatos na ginagamit nila sa soccer hindi kasi ito pangporma dahil masyado itong fitted sa paa nila hindi kagaya ng mga sapatos na halos palobo ng konti ang style.

"Pre pwdeng paki-baba naman yang sapatos mo nadudumihan kasi ang upuan." Mahinhin na paki-usap ko rito pero imbis na sumunod siya sa sinabi ko ay pinagpagniya pa ang sapatos niya kaya nagbagsakan sa upuan ang mga natuyong putik.

Putek na lalakeng to walang Manners.

Lumayo ako sa upuang pinagpapagan niya ng sapatos niya para hindi marumisan pero ang dimuho inilapit nanaman sakin ang dugyot niyang sapatos at nagpagpag nanaman.

Ayoko sa lahat yung bastos pero mas ayoko yung mga dugyot.

Napatayo nako sa kinauupuan ko para lumipat ng upuan. Malakas masyado ang tama ng lolo niyo kaya hayaan na natin.

"Sh-t pre tinalikuran ka lang payag ka don haha." Rinig ko ang tawanan ng ibang mga kasama niya pero hindi ko nalang pinansin.

Asan na ba si Pillow? Hindi paba siya tapos bumili at ng makaalis nakami dito.

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon