CHAPTER 60

897 72 10
                                    

IZIAH POV...

"Mabuti nalang talaga at napakiusapan mo si ma'am autumn Zi kundi ay baka hindi ako natanggap dito. Napakarami pala naming nag apply at iilan lang ang nahire." Mahinang bulong sakin ni estong.

Andito kami ngayon sa auditorium kung saan kami minimeeting para ipaalam kung ano ang magiging plano this year.

Maraming trabaho yun ang sigurado ako. Plano nilang ilabas sa susunod na dalawang buwan ang mga bagong design ng damit for teenagers kaya sinisigurado nila na malinaw ang bawat impormasyon na ibinibigay samin.

Gusto kasi nila na bago dumating ang pasko ay nailabas na namin ang mga new products dahil sigurado nga naman na mas maraming pera kapag pasko.



"Buti nalang talaga malakas kadun." Dugtong pa niya.

Napatingin ako sa gawi ni Autumn kung saan abala silang nag-uusap ni Sav. Mukhang napansin niya yatang may nakatingin sakanya kaya napatingin siya sakin at ngumiti ngunit ng makita niyang nakalapit sa tenga ko si estong ay bigla naman siyang sumimangot.

Para san yon?

"Alam mo halatang may gusto sayo si ma'am autumn." Mabilis naman akong napaikot sa kinauupuan ko at napasulyap sakanya.

Tinaas baba niya ang kilay niya sakin at ngumiti. Bumalik ako sa pagkakaupo ng maayos at muling pinagmasdan ang dalawa na nag-uusap.


Wala paring kupas ang ganda ng dalawang to.

Pero kapag naiisip ko ang ginawa ko sakanila noon ay naguiguilty ako. Alam kong galit sila sa nagawa ko noon. Rinig na rinig ko naman yon sa audio tape na ipinarinig sakin noon ni vincent.

Speaking of vincent nabalitaan kong maraming namatay doon sa barkong pinagdalhan sakin ngunit hindi nila na identify ang bawat bangkay kaya nagdarasal ako na isa siya doon sa mga taong namatay.


Gusto ko ng matahimik ang buhay ko. Ayoko ng bumalik sa ganong estado. Masyado akong natrauma sa mga nangyari kaya narin siguro hindi kona piniling bumalik at magtago nalang dahil natakot nakong may mangyari ulit na di kaaya-aya.

Binalik ko nalang ang focus ko sa speaker na nagsasalita sa harap. Kilala ko siya. Siya rin yung nag interview sakin noon. Si Miss Martha.

"Sister, tignan mo kung paano ka tignan ng dalawa." Kanina pa siya bulong ng bulong sa tenga ko. Para siyang bubuyog na di pinapausukan.


"Akala ko si Ma'am Autumn lang ay may kursunada sayo pati pala si Ma'am Savannah. Tignan mo oh nakatingin sila satin ngayon." Gusto kong kumpirmahin kung nakatingin nga ba talaga sila samin pero mas pinanatili kong matatag ang sarili ko na hindi tumingin dahil sa totoo lang nahihiya akong tignan sila.

Ikaw ba naman tignan ng mga boss mo habang dika nakatingin tingin mo dika maiilang o mahihiya.

"Aww inirapan ako ng mga suitors mo." Gusto ko ng sungalngalin ang bunganga niya sa sobrang ingay.

Mabuti nalang talaga at natapos narin ang orientation kaya bumalik nako sa pinagtatrabahuhan ko.

Si Estong ay wala dito. Pang designer lang kasi ang opisina nato habang siya ay madistino sa wear hours. Nag iinventory siya kaya wala siya rito.

Bumalik ako sa desk ko at doon nag drawing ng mga designs na naiisip ko.

"Kesh dikapa kakain?" Napaangat ako ng tingin at doon ko nakita ang kapwa ko designer nasi Agatha.

Tinignan ko ang orasan sa may gilid ko doon ko napagtantong lunch break na pala.

"Mauna kana susunod nalang ako." Nakangiti kong usal dito.

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon