Chapter 23

1.4K 77 6
                                    

A/N:  take it slow~

Iziah/Eli POV

Today is valentines day. Ngayon din sana ang araw na yayain ko ang girls na pumunta ng skyward kaya lang wala nayon sa plano dahil hindi na mangyayari pa.

Kasama ko si Ruffa. Palagi naman. Naglilibot kami sa buong campus para subukan ang bawat booth. Iba iba ang mga booth ng bawat section o department kaya talagang naeenjoy namin ang valentines day ngayon.

Hindi pala todo enjoy dahil masakit sa mata yung mga couples na nakikita namin. Ang iba nagyayakapan, holding hands, meron naring nagpapakasal sa kabi-kabilang wedding booth pero ang mas masakit sa mata yung mga naka couple shirt. Putek parang jejemon.

"Try natin tong isang to best."hindi pa nga ako nakakasagot ng oo ay hinila niya na agad ako.

Photobooth lang pala.

"Smile ka bilis." Ngumiti naman ako kagaya ng sinabi niya. May three shots pakami kaya nagsuot nalang kami ng kung ano anong costume.

"Ang ganda oh." Kinuha ko naman ang picture naming dalawa sakanya.

Hindi narin masama mukhang high quality ang ginamit na photopaper.

"Akin nalang to best ah." Nagkibitbalikat naman ako dito.

"Okay." Marami naman akong picture namin noon na nasa album kaya ibibigay ko na to sakanya.

Naglibot pa kaming dalawa hanggang sa nagutom na kami kaya dumiretso nakami ng cafeteria.  Hinahanap ng mga mata ko yung apat pero hindi ko parin sila makita simula kanina.

Ang sabi ni ruffa ilang araw narin daw hindi nagpapakita ang apat nayon. Hindi ko alam kung ano nabang nangyayari sakanila hindi ko rin sila magawang tawagan dahil pinatay kona ang phone na gamit ko noong si Eli pako.

Hindi kona pwdeng gamitin yon dahil wala na si Eli. Ako na ulit to si Iziah kaya dapat lang na patahimikin kona si Eli dahil wala na siya. Parang pinatay ko naman ang sarili ko don.

"Ayan ka nanaman hinahanap mo nanaman sila." Napabuntong hininga ako.

"Hindi ko naman maiaalis yon sakin. Nag-aalala ako sakanila.  Isa pa mahal ko este may pinagsamahan narin kami ng mga yon kaya hindi mo maiaalis sakin na hindi ko sila hanapin." Ibinaba nito ang tray niya sa bakanteng upuan kaya ganon narin ang ginawa ko.

"Pero kasi best hindi na kagaya ng dati ang lahat. Sabihin na nating may pinagsamahan kayo o dikaya mahal mo sila, pero paano yon kung hindi naman na ikaw yung lalakeng minahal nila. Babae kana ngayon best at hindi na lalake kaya kahit ano pang gawin mong pag-aalala diyan o paghanap sakanila ay balewala lang din dahil para sakanila hindi ka nageexist."

Sa mga katagang binitawan niya ay parang tinanggalan nanaman ako ng puso sa pangalawang pagkakataon.

May tama naman siya sa mga binitawan niya, kaya lang hindi ko parin maiaalis na mag-isip kung nasan na sila, o kung pumapasok paba sila. Mahalaga sila sakin noong si Eli ako at mahalaga parin sila sakin ngayon kaya lang hindi nako pwdeng mag-alala sakanila ng malapitan. Ang tangi ko nalang magagawa ay titigan sila sa malayo. Siguraduhin na kahit papaano ay nasa maayos silang kalagayan.

Hindi ako pormal na nakapagpaalam sakanila, at kung hinahanap man nila ako. Kung hinahanap nga nila ako. Sana lang ay alam nila kung gaano ko sila kamahal noon, at magpangayon.

"Tama nayang pagmumukmok at baka pati pagkain magtampo sayo. Kumain nalang tayo para makagala pa tayo sa ibang parte ng campus." Sumangayon nalamang ako rito at kumain nalang.

Kailangan kong maka-isip ng paraan para mapalapit ulit sakanila. Kailangan kong gumawa ng paraan kundi ay baka tuluyan na silang maagaw sakin ng mga damuhong yon.

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon