Chapter 24

1.4K 72 4
                                    

A/N: Thank you sa mga nagvote, comments at naghintay. Nagpahinga lang ako makalipas ang ilang araw. Nagpahupa lang ng sakit tapos laban ulit. Thank you sa mga advice at kung ano ano pa. Yep, I'm fine now. Rejection is part of life, I will use it as a weapon to keep going.  Thank you so much. Balik tayo sa dati kung saan masaya lang tayo😆

Iziah/Eli POV

Heto na nga mga beh. Andito nakami ng apat sa garden of eden yep, yan talaga name niyan wag na nating paki-alaman at yan trip ng may ari.

Bakit nga ba apat palang kami? Well, si Autumn kasi late kaya hindi pa kami makapaglibot. Excited na nga akong maglakad kasama sila. Oa lang no? maglalakad lang excited pako akala mo naman hindi ako naglalakad araw araw.

"Ayan na." Sabay sabay kaming napalingon sa paparating na si Autumn.

Napakagat labi ako ng makita ko ang suot nito. Simple wide leg jeans and white V neck shirt na may nakasabit na shades lang naman outfit niya pero ang hot niyang tignan. Teka para saan yung shade? Gabi na kaya. Trip talaga nitong prinsesa ko kakaiba haha.

"Sorry, may inasikaso lang ako sa bar." Ngumiti lang ako rito.

"Ang mahalaga andito ka." Gusto kong tampalin ang bunganga ko. San ko ba nakuha yon. "Tara na para makapaglibot na tayo." Mabuti nalang at hindi na nila pinansin ang una kong sinabi. Hay. Salamat naman.

Pahamak talagang bunganga to lahat nalang ng iniisip sinasabi. Baka isipin nila weird ako, baka yun pa ang maging ugat ng paglayo nila sakin. Bawas bawasan ko nalang siguro ang pagiging madaldal para safe.

"Wow." Sabay sabay nilang usal ng makarating kami sa unang part ng garden.

May mga ibat-ibang imahe ng cartoon character na gawa o inihulma mismo sa isang halaman topiary yata ang tawag nila dito.

May mickey mouse characters, doreamon at kung ano ano pa. Kasing laki din sila ng tao kaya napakaganda nila lalong tignan. Mas nagpaganda pa sakanila ang mga ilaw na nakapalibot sa buong topiary.

Napakaeffort ng gumawa ng mga to. Ang tagal kayang gumawa ng ganito siguradong skills ang ginamit dito.

"Guys papicture naman ako dito kay nobita." Parang batang inabot ni Light ang phone niya kay Savannah at pumwesto sa tabi ni nobita, kung pwde niya lang yakapin si nobita ginawa na niya.

Ibig sabihin ba nito mahilig siya sa doreamon?

Di naglaon ay nagpapicture pa sila sa ibang mga characters habang ako naman pinagmamasdan lang ang masasaya nilang mukha.

Hindi ko inakala na magugustuhan nila ang lugar nato. Hindi naman kasi ito kasing susyal ng Disneyland, The Wizarding World of Horry Potter o mga sikat na amusement park na talaga namang makapigil hininga ang ganda. Simple lang itong garden of eden pero nakikita ko parin ang tuwa na diko inexpect sakanila.


"Iziah!" Sigaw sakin ni Pillow na animoy close na talaga kami. Nakangiti naman akong lumapit sakanila.

"Bakit?" Ngumiti ito sakin at itinuro ang phone na hawak ni Savannah.

Mukhang gusto nilang mag groupie kami. Kaya naman ngumiti nalang din ako habang nakatingin sa screen. Kinunan ko narin silang apat ng magkakasama. Siguro ipapapasa ko nalang ito para magkaron din ako ng copy.

Isang picture kung saan kumpleto ang mga prinsesa ko.

"Ang cute natin dito oh." Pahagikhik pa na turan ni pillow habang tinitignan ang mga pictures na kinunan namin kanina.

May mas maganda pang view sa susunod naming pupuntahan at siguradong mas magugustuhan nila yon.

"Guys." Naagaw naman ni Autumn ang atensyon naming lahat. Medyo namumutla yata siya kaya walang pagdadalawang isip akong lumapit dito at ipinalupot ang kamay ko sa bewang niya.

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon