CHAPTER 51

908 72 10
                                    

SOMEONE'S POV...

Tahimik na ang buong lugar sa isang isla. Madilim at tanging liwanag lang ng buwan ang nagbibigay liwanag sa malawak na dagat.

Sa may dikalayuan ng dagat ay matatangpuan ang mga tagpi tagping bahay. Hindi ito ganon kalaki ngunit sapat lang para magsilbing tirahan at kanlungan ng mga residente ng isla.

"Ilang buwan na siyang ganyan. Bakit hindi po kaya natin siya dalhin sa bayan at doon ipagamot." Turan ng binatang lalake sa matandang babae.

"Gustuhin ko man anak ay wala tayong sapat na pera para dalhin siya sa bayan at ipagamot. Ang sabi naman ng manggagamot ay hindi naman malalim ang sugat niya sa ulo kaya hindi naman malala ang nangyari sakanya. Siguro kaya hindi pa siya nagigising ay dahil narin sa mga sugat na natamo niya sa buong katawan. Mabuti pa't hayaan nalang natin siyang magpahinga rito." Hayag ng ginang bago tuluyang lumabas ng kwarto.

"Ilang araw ka ng tulog. Pati kama ko inagaw muna. Gumising kana. Sayang naman yang ganda mo kung magpapaka sleeping beauty ka diyan kaya lang kung magigising karin ngayon ay siguradong makakaramdam kalang ng sakit sa dami mong sugat kaya mukhang okay lang na tulog ka. Mabuti nalang at dikapa namatay sa dami ng natamo mo sa katawan pasalamat kanarin at may nurse na darating dito para linisin yang sugat mo. Tyaka gusto pa naman sana kitang ipakilala bilang girlfriend ko para naman di nako inaasar ni Talia na bakla pero mukhang di payon mangyayari sakanyon." Pakikipag-usap ng binata sa tulog.

"Nababaliw na yata ako pati na naman sa tulog nakikipag-usap ako. Makatulog na ngarin." Tuluyan ng lumabas ang binta sa silid kaya naiwan nalamang ang dalagang mag-isa ng wala paring malay.

Sakabilang dako naman ay matatagpuan ang apat na babaeng abala na sakanilang sari-sariling buhay.

Si Light na ngayon ay isa ng ganap na businesswoman. Pagkagraduate niya ay agad na ipinasa sakanya ang responsibilidad na magpatakbo ng kanilang negosyo.

Sa una ay nahihirapan siyang pag-aralan ang pamamalakad sa buong kumpanya ngunit ng dahil narin sa sipag nitong mag-aral ay natutunan niya narin ang dapat na gawin ng isang CEO.

Habang si Savannah naman ay nagpasyang magtayo ng sarili niyang modeling agency. Ito ay para sa mga bata na cute na cute sa mga bagong labas na damit na dinisenyo naman ng designer na si Autumn.

Magkasama sila sa business at ngayon nga ay untu-unti naring nakikilala ang kanilang negosyo sa buong bansa.

Habang si Pillow ay binili ang bar ni autumn at siya na nga ang nagmamanage nun ngayon. Marami ng branches ang mga bar niya ngunit hindi parin niya maramdaman ang saya kahit na ilang buwan na ang nagdaan.

Higit sakanilang apat ay siya ang pinaka naapektuhan salahat. Naguiguilty siya sa mga sinabi niya noon kay Iziah.

Sinisi narin niya ang sarili niya dahil parang hiniling niya na mawala ng tuluyan si Iziah sa mundong ito.

Habang si Ruffa naman ay naging ganap na negosyante narin. Bibihira nalang din itong lumabas at mag-aliw aliw. Mas pinipili nalamang niyang magtrabaho kesa gumoodtime.

Ang trabaho nalang kasi ang libangan niya. Pampalipas oras at ang pangtakas niya sa mga bagay na paulit-ulit na gumugulo sa isipan niya.

Hanggang ngayon ay hindi niya parin matanggap ang pagkawala ng kanyang kaibigan kaya kapag napag-uusapan ang pagkakaibigan ay parati lang siyang tahimik na parang may sariling mundo.

-

-

Nagdaan pa na nagdaan ng panahon ay nagising narin si Iziah mula sa mahibing na pagkakatulog.

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon