CHAPTER 61

932 80 13
                                    

IZIAH POV...

"Lah grabe naman yun. Sumama kana sis love at baka mawalan kapa ng trabaho." Kinwento ko na nga sakanya ang nangyari kanina.

Nagpaalam narin ako na di makakasama kaya siya naraw muna bahala kay Inang.

"Basta sabihin mo kay Inang dadalawin ko siya sa susunod na araw." Tumango naman siya.

"No problem. Mag enjoy kanalang muna ngayong gabi alam ko namang pagod karin kakatrabaho."

"Basta kay Inang ayos lang na araw araw ako magtrabaho." Yun lang din ang magagawa ko para maibalik ko sakanila ang pagkakautang ko sa pagtulong nila sakin.

I am upon greatful that they are the one who feeds me and gives me a comfortable shelter to live on.

Pagkatapos kong magpahinga ng ilang minuto ay nagpasya nakong maligo. Kumuha ako ng white long sleeve at khaki trousers at inilapag yon sa higaan ko.

Pagkatapos kong naligo ay nagplantsa na muna ako ng damit para dinaman gusot gusto ang damit ko. Hinayaan ko lang bukas ang dalawang botones ng damit ko at chineck ko ang sarili ko sa salamin. Nag ipit narin ng pa bun yung medyo magulo tignan pero maganda parin bago tuluyang suotin ang white sneakers ko.

Muli kong tinignan ang sarili ko sa salamin at hinawakan ang malaking peklat sa kaliwang mukha ko.

Mula sa noo papunta sa kanang mata ay may peklat ako. Sa pagkakatanda ko ay nakuha ko ito ng tumama ang mukha ko sa bangka.

Ang gag* naman kasi, putulin daw ba naman ang lubid kung hindi ba naman siya p*tangna.

Dinako nagdala ng bag wallet para dinako mahassle pa sa kakaisip kung san ko yon maiiwan.

"Alis nako Estong."

"Oops teka!"

Napatingin naman ako muli rito.

Lumapit siya sakin at sinipat ang mukha ko.

"Sigurado kabang ganyan ka lalabas? I mean, kahit anong itsura mo at ayos ay maganda ka sa paningin ko pero sa iba..." Hindi ko na hinayaan pang tapusin niya ang sasabihin niya.

Alam ko. Posibleng matakot sakin ang ibang tao dahil sa itsura ng kanang mukha ko.

Hindi lang basta peklat mula sa noo pababa sa mata. Dahil may malaki rin akong peklat sa may pisngi.

Oo. Mas malaki ang naging sugat ko sa pisngi. Hindi ko rin alam saan ko nakuha ito dahil noong tumama ang ulo ko sa bangka ay nawalan nako ng malay kaya hindi ako sigurado kung bakit nasunog ang kabilang pisngi ko.

Kahit alam ko na na pababa nako noon ng barko ay nagkaganito parin ang mukha ko. Ang natatandaan ko ay paggising ko balot ng benda ang kabila kong pisngi.

Sinubukan kong tanungin si inay pero ang sabi lang nila ay natagpuan nila ako sa dagat na walang malay at halos maubos ang dugo ko.

Hindi rin nila ako nadala sa ospital dahil wala silang pera. Kung hindi manggagamot ay kilalang nurse lang nila ang tumingin at gumamot sakin para hindi maimpeksyon ang mga sugat ko.

Pati ang ibang parte ng katawan ko ay may mga pahabang peklat na satingin ko ay kagagawan ng mga inanod na kahoy na possibleng tumama sa katawan ko noong palutang lutang ako.


Diko alam kung matutuwa paba ako non dahil hindi ko naramdaman yung sakit pero paggising ko naman ay ganito na ang nangyari sakin.

Pero blessing paring matatawag ito. Dahil kahit papaano ay nabuhay ako.

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon