Chapter 11

1.6K 81 0
                                    


A/N: 22 na ang pasok kapag hindi nako nakapag-update wag niyo sana akong kalbuhin haha.
Bday ko pa pala yon. Saklap!

Enjoy!

Iziah/Eli POV

Another day para pagnilayan ko ang mga nagawa ko nitong mga nakaraang araw.

Ang bilis ng mga pangyayari para sakin! Gaano kabili? Sobrang bilissss parang train sa Japan ni hindi mo mararamdaman na nasa dulo kana pala ng buhay mo.

Ayaw ko sanang sabihin na hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyari sakin. Panahon kung kailan nakilala ko ang tatlong babae sa buhay ko. Natuklasan ko kung sino ang sumumpa sakin. At ngayon naman nasa harapan ako ni Light na ngayon ay nagtatapat narin ng pag-ibig niya sakin!

Ayaw ko sanang sabihin na hindi parin ako makapaniwala pero nasabi kuna eh dalawang beses pa.

"Totoo ang mga sinasabi ko Eli...gusto kita." See. Hindi ako nagbibiro sa sinabi ko kanina sainyo.

"Teka Light, baka nagkakamali kalang diyan sa nararamdaman mo." Mautal-utal ko pang wika dito.

Umiling siya tyaka inabot ang kamay ko na nakapatong sa mesa.

Andito kami sa isang maliit na coffee shop malapit lang din sa school na pinapasukan namin. Yep namin, dahil kagaya ko ay nag-aaral rin pala dito si Light iba lang ang course niya kumapara sakin kaya hindi ko alam na nag eexist pala siya sa mundong ginagalawan ko.

"Sigurado ako Eli sa mga sinasabi ko. Gusto kita...Simula no'ng magpasya kang tulungan ako ay naramdaman ki nato sayo. Ikaw ang kaisa-isang lalakeng tumulong sakin." Binawi ko ang kamay ko sa paraan na hindi ko masasaktan ang damdamin niya.

"Baka naman kasi hindi kalang malapitan ng iba kaya ganun." Uminom ako ng kape para pagtakpan ang ginawa ko.

Umiling siya ulit bago umayos ng upo.
"Maraming mga tao ang nakakita sakin ng mga sandaling yon hindi lang ikaw, pero salahat ng mga nakikiisyoso ikaw lang ang tanging gumawa ng paraan para matulungan ako." Masyado siyang sigurado sa bawat katagang binibitawan niya.

Napahilamos ako ng aking mukha at napahimas ng aking baba. Anong gagawin ko? Ayoko siyang maoffend sa sasabihin ko. Masyado ng maraming pinagdaan ang babaeng nasa harapan ko kaya ayoko ng dagdagan pa yon.

Naikwento niya sakin ang pinagdaanan niya nitong mga nakaraang araw. Nalaman ko na hindi siya tinanggap ng mga magulang niya kaya kailangan niyang maki-usap sa mga kaibigan niya para lang may matuluyan siya.

Pumayag naman ang mga kaibigan niya na patirahin siya sa bahay nila kaya lang nahiya daw siya dahil baka nagiging pabigat na siya sa mga ito.

Ngayon ay gusto niyang humanap ng trabaho para makakuha ng apartment na pwde niyang matirahan. Base sa kwento niya ay nakikita ko namang walang problema sa mga kaibigan niya kung makikitira siya sa mga ito pero siya lang itong nakakaramdam ng hiya kaya hindi siya matahimik sa mga nangyayari.

Bumuntong hininga ako at nag-isip muna ng mabuti.

"Ayaw kitang saktan Light sa mga sasabihin ko pero masyado na kasing kumplikado ang buhay ko, kung pagbibigyan kita sa nararamdaman mo sakin ay baka maging sanhi lang ako ng sakit para sayo. Hindi ako normal na tao, ibig kong sabihin hindi normal ang meron ako sa buhay at ayaw kong idawit kita ron."

Maganda si Light, mabait, mahinhin, at naramdaman ko rin ang pagiging maunawain niya sa lahat ng bagay. Nagawa niya ngang unawain ang lalakeng nanloko sakanya. Yung tipong imbis na sigawan niya, saktan o murahin yung lalake nagawa niya pang patawarin ito sa ginawa niya (parang si author. Char). Kung ako yon siguradong kakalbuhin ko siya hanggang sa ibaba.

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon