Chapter 50

942 71 5
                                    

SOMEONE'S POV...

Ilang linggo na simula ng mawala si Iziah.

Hanggang ngayon ay wala parin silang lead kung saan ito dinala ni vincent.

Sigurado naman na sila nasi vincent nga ang dumukot dito gawa narin ng mga nakalap nilang lead na siya nga talaga ang may gawa ng mga pagbabanta at pagpapasabog ng bahay ni Iziah.

Ilang linggo naring lutang at wala sa sarili si ruffa. Sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari kung bakit nawala si Iziah. Sumabay pa ang apat na parang hindi manlang apektado sa pagkawala ni Iziah kaya lalong nag-iinit ang ulo ni ruffa dahil parang wala manlang silang paki-alam sa kaibigan niya.

One time ay diniretso niya ang mga ito. Sinampal niya ng katotohanan ngunit parang wala lang ito sakanila at ang mas ikinagalit pa ni ruffa ay nagawa pangsisihin ng apat ang kaibigan niya.

"Hindi nakayo nahiya." Napukaw ni ruffa ang atensyon ng lahat sa restaurant.

Ang apat ay may kadate na mga lalake. At hindi lang basta kung sino sinong lalake dahil ang mga lalakeng kasama nila ngayon ay ang lalakeng nakaaway narin noon ni Iziah.

"Ang tindi niyo naman. Ang kakapal ng mukha niyo no. Nawawala ang kaibigan ko pero heto kayo nakikipag-DATE sa iba. Anong klasing utak yan? May konsensya paba kayo? Nakakatulog paba kayo ng mahimbing sa ginagawa niyo? I guess yes, dahil halata namang wala kayong paki-alam sa kaibigan ko." Nang gagalaiting wika ni Ruffa sa mga ito.

Dinig na dinig ng ibang tao ang mga binitawang salita ni Ruffa. Nagsimula narin silang magbulungan ang mga ito. Kaya naman hindi narin nakapagtiis ang apat at pinatulan narin nila si ruffa.

"Don't talk if you didn't know what really happened. At isa pa tama lang ang nangyari sakanya. Sa sama ba naman ng mga ginawa niya karma nalang talagang matatawag ang pagkawala niya." Nagulat ang tatlo ng sampalin ni Ruffa si Pillow.


"Wala kang kwentang tao! Sino ka para sabihin yon ha?! Minahal ka ng kaibigan ko. MINAHAL KAYO NG KAIBIGAN KO ng walang pagdadalawang isip. At anong walang alam. Alam ko ang lahat ng nangyari pero hindi ibig sabihin non ay siya na ang sisisihin niyo salahat. Hindi ginusto ni Iziah ang mga yon, pinilit lang rin siya ng hayop na taong yon! Ang kikitid ng utak niyo!" Panduduro niya sa mga ito.

Halos lumuwa na ang lalamunan niya sa lakas ng sigaw niya. "Itong tatandaan niyo sa oras na mahanap ang kaibigan ko ay hinding hindi kona hahayaan na makalapit pa kayo sakanya. Tama ng pinagbigyan ko kayo noon, pero hinding hindi na mauulit yon. Mga wala kayong kwenta!" Tuluyan ng lumabas si ruffa ng resto habang ang apat naman ay tulala  at pilit pinroseso ang mga binitawang salita ni ruffa.

-----

PILLOW POV...

Nasa room nako kasama ang anak ko na mahimbing na natutulog ss crib niya.

Sa totoo lang diko rin alam kung bakit lumabas sa bibig ko ang mga katagang yon.

Oo galit ako kay Iziah sa mga nagawa niya samin pero hindi naman ako masamang tao to wish her own death.

Minahal korin naman si Iziah at ina parin siya ng anak ko pero hanggang doon nalang yon.

Tinanggap ko na ang katotohanan na hindi na kami magkakabalikan ulit. Yes. Ayaw ko na. Yun ang totoo.

Diko kayang pakisamahan ang taong sumira ng buhay ko.

"Pillow it's me Autumn." Bumaba ako ng kama at binuksan ang pinto.

Tipid siyang ngumiti sakin bago pumasok sa kwarto.

"What brings you here?" Flat kong tanong sakanya.

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon