Chapter 10

1.7K 82 1
                                    


Last UD for Aug 4 nalate pasensiya na.
Goodnight!

Autumn POV

Naiinis talaga ako sa lalakeng yon.
Nagkausap kami noong nakaraang gabi sa bar na pagmamay-ari ko.
Akala ko magigig maayos ang lahat pagkatapos ko siyang iwasan ng ilang araw pero nagkamali ako.

Pinag-isipan kong mabuti ang dapat mangyari saming dalawa. Nag-ipon pako ng lakas ng loob para lang maharap ko siya dahil nahihiya ako sa nangyari samin.

Lasing siya ng gabing may mangyari samin kaya expect ko na na sasabihin niyang nagkamali lang siya sa nangyari.
Hindi ko nga expect na makikita ko siya ng mas maaga sa bar ng araw nayon kaya nawalan ako ng choice kundi kausapin siya.

Lahat ng naipon kong lakas ng loob nawala ng makita ko siya. Pero ang mas matindi lang ay ng sabihin niyang kailangan niya munang ayusin ang sarili niya.

Gag- ba siya. Ano siya sirang gulong na nangangailangan ng vulcanizer para lang maayos ang sira sakanya.

Sana sinabi niya nalang na lasing siya at pagkakamali lang ang nangyari samin, siguro kung ganon matatanggap ko pa ang lahat pero yung sabihin niyang aayusin niya muna ang sarili niya bago niya ayusin ang amin. Punyeta niya! Sinampal ko lang naman siya ng ilang beses.

Wala akong paki-alam kung mamanhid man ang mukha niya pagkatapos ng ginawa ko. Basta ang mahalaga naiganti ko ang sarili ko. Ang kapal ng mukha! Akala mo kung sinong gwapo. hmp!

"Madam baka naman mabasag nayang baso sa sama ng tingin mo." Naputol ang pagpatay ko sa dimuhong lalakeng yon ng punahin ako ni Vine. Isa siya sa mga bartender ko rito sa bar siya rin yata yung hinahanap ni Eli sakin noong una kaming magkita.

"Hulaan ko nag-away kayo ng boyfriend mo madam no?" Kinunutan ko siya ng noo.

Yon boyfriend ko. Takot sa commitment kaya gustong ayusin ang sarili. Utot niya!

"Yun ba yung gwapong lalake na kamukha ni Chris Evans sa movie na Captain America?"sinamaan ko na ito ng tingin na ikinakamot niya ng ulo.

Ipapaalala niya pa talaga sakin ang lalakeng yon. Hindi ko nga yon boyfriend!

"Sayang naman kung hindi mo boyfriend yon madam mukhang may itchura pa naman, siguradong magiging maganda ang lahi niyo kung kayo----"

"Gusto mong paliparin ko tong bote sayo." Mabilis naman itong napaatras sa counter at umiling-iling.

Natatawa itong lumapit muli sa counter at nagpunas ng mga shot glass.

Bakit ko nga ulit hinire ang lalakeng to? Magaling lang naman siya sa bartending. Pero mas magaling yata siyang maging marites ng taon.

"Pero alam mo madam mukha namang mabait ang lalakeng yon." Tumingin ako rito na parang walang interes sa sinasabi niya. Let's see kung anong tingin sakanya ng ibang tao.

"Nitong mga nakaraang araw madalas ko siyang makita dito sa bar. Hindi man ako ang nakaduty kapag nandito siya ay alam kong ikaw ang hinahanap niya. Madalas naririnig ko kay Azul ang bagay nayon." Himala nakikipag-usap na yata siya ngayon sa mga kasamahan niya.

I mean maganda naman yon dahil ayokong hindi nagkakaintindihan ang mga empleyado ko. Sadyang iba lang si Vine dahil mas pinipili niyang mag-isa kesa makipagsalamuha sa iba.

Halos ako lang din talaga ang kinakausap niya sa bar. Well, boss niya ako kaya dapat lang na kausapin niya ako, pero ngayon na nalaman kong kahit papaano ay nakikipag-usap na siya sa iba mas napapanatag ako na walang magiging abirya ang bar ko.

"Besides madam mukha namang walang sabit ang lalakeng yon dahil wala naman akong nakitang singsing dito." Turo niya sa ring finger niya.

"Paano kung may girlfriend pala." Possible namang walang singsing dahil dipa sila kasal ng girlfriend niya.

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon