Chapter 6

2.1K 106 6
                                    

Good Morning!
Malapit na matuklasan ni Eli kung sinong may gawa nito sakanya.
Wrning! Sa mga susunod na scene.

Ilang araw din nag stay si Light sa bahay hanggang sa magpasya siyang umuwi sakanila. Kakausapin niya raw ang mga magulang niya. Hihingi siya ng tawad sa mga ito at baka sakaling muli nila itong tanggapin.

Sana lang ay tanggapin nga nila siya. Sa maikling panahon na nagkasama kami ay nalaman kong mabuti itong tao. Nagawa niya lang ang bagay nayon dahil nagmahal siya.

Ang hirap palang magmahal maging ang sarili mong pamilya ay magagawa mong talikuran.

"Pre naligaw ka yata." Umupo ako sa bar counter at sumenyas dito na bigyan ako ng maiinom.

Yep. Andito nanaman ako sa bar na parati kong pinupuntahan pero sangayon ay hindi si Autumn ang hanap ko kundi ang lalakeng nag ngangalang vine.

"Andito na ba si vine?"

"Kilala mo rin pala ang kaibigan ko?" Magkaibigan pala sila kung sabagay pareho sila ng pinagtatrabahuhan.

"Nakabalik naba siya?" Huli kong pagkakaalala ay umuwi raw ito ng probinsiya para alagaan ang lola niyang may sakit.

"Nasa likod siya ng bar, siguradong naninigarilyo nanaman ang isang yon." Baka sakaling may makalap akong impormasyon kay Azul tungkol sakanya.

"Matagal nabang nagtatrabaho rito si vine?" Natigil ito sa pagpupunas ng counter top.

"Mag iisang buwan narin siyang nagtatrabaho rito bakit mo natanong?" Umakto akong hindi interesado.

"Wala naman. Naikwento lang siya ng kaibigan ko sakin."

"Sino namang kaibigan yan baka kilala korin." Ipinatong ko ang siko ko sa counter at nagsalukbaba.

"Si Iziah." Nanlaki ang mata nito.

"Yung hot chick." Napangisi ako. Hindi naman nako magtataka dahil hot naman talaga ako.

"Kilala mo rin pala siya." Tumango ito. Ngayon ay nagpupunas na siya ng mga shot glass.

"Madalas ko siyang makita rito noon.  Si Vine ang bartender kapag dumarating siya sayang nga hindi ko duty kapag nandito siya. Bago palang si Vine pero tinamaan na agad siya ng swerte sa mga nagiging customer niya" Napatawa pa ito.

Marami talagang nanghihinayang sa ganda ko kapag hindi ko sila pinapansin. Swerte nga.

"Ang sabi mo mag iisang buwan palang dito si Vine diba?" Tumango siya. Paulit ulit Iziah. Bingi lang?

Mag-iisang buwan palang din simula ng matuklasan ko ang bar nato at maglagi rito.
Nagkataon lang ba na kung kailan ko natuklasan ang bar ay siya namang pagpasok niya rito bilang bartender?

"May napapansin kabang kakaiba simula ng pumasok siya sa bar?" Napahimas ito sa baba niya na animo'y nag iisip ng puspos.

"Actually meron. Pansin kong iwas siya sa pakikipag-usap sa iba naming kasamahan. Mas gusto niya na mag-isa lang siya at madalas nakikita ko siyang may ibinubulong na hindi ko maintindihan medyo creepy nga eh."

"Ibinubulong?" Tumango siya. Lumapit siya sakin kaya bahagya akong napaatras.

"Para bang hindi siya ordinaryong tao." Napakunot ang noo ko rito.

"Sa paanong paraan?"

"Well, aside sa pakikipag-usap sa sarili, madalas din namin siyang makita na may hawak na 4R picture. Hindi namin alam kung sino ang nasa picture nayon dahil kapag lalapitan na namin siya agad niya itong itinatago. Naisip namin na baka gf niya yung nasa pic or yung mga mahal niya sa buhay. Normal namang mamiss mo sila kapag hindi mo sila kasama diba? kaya sa picture mo nalang sila pwdeng kausapin."

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon