Chapter 31

1.3K 74 1
                                    

"Okay lang ba ang laki ng kwarto na to para sayo Ms.Pillow?"  Kasalukuyan ko siyang tinutulungan sa pag-aayos ng kama niya habang siya naman isinisilid na sa closet ang mga gamit niya.

Nag-alangan ako sa laki ng kwartong napunta sakanya, ito na ang pinaka dulong kwarto kaya medyo maliit lang siya ng konti kumpara sa kwarto ng tatlo.

"Kung hindi naman ay pwde naman tayong magpalit para mas maging comportable ka." Yung kwarto ko kasi yung nasa pinaka unahan yun yung malapit sa hagdanan.

Pinili ko talaga yon para mabilis ko silang mamonitor kung sakali mang baba sila ng hagdan o dikaya aalis nalang bigla ng walang pasabi.

Kahit naman umagree sila sa napag-usapan namin kanina ay alam ko paring darating ang araw kung saan magpupumilit sila sa bagay na nakasanayan na nilang gawin.

Sila paba, matitigas kaya ang ulo nito.

"No need, pwde na to sakin." Nakahinga ako ng maluwag. "Can you help me with this?" Turo niya sa maleta na wala ng laman.

"Ah sige." Lumapit ako rito at binuhat ang maleta. Nagiging instant kargador na talaga ako rito. "San ko ilalagay?"

"Dun sa taas." Turo niya sa pinakataas ng cabinet. Susmaryosep ang taas naman ng napili niyang paglagyan.

"Wait lang kuha lang ako ng matutungtungan." Tumango siya sakin kaya ibinaba ko na muna ang maleta at kumuha ng hagdan sa storage room.

"Hello may problema ba sa kwarto mo Ms.Sav?" Padiretso na sana ako sa kwarto ni Ms.Pillow ng maabutan ko siyang kalalabas lang ng kwarto niya.

Napakagat labi siya at nahihiyang yumuko. Nakaramdam tuloy ako ng init at parang gusto ko siyang halikan sa ginagawa niya. Jeez Iziah maghunus dili ka nga.

"Uhm, may ipis kasi akong nakita sa banyo--" hindi kuna pinatapos pa ang sasabihin niya dahil mukhang alam ko na ang problema.

Ngumiti ako sakanya at walang ano ano'y tinap ang ulo niya na ikinatingin nito sakin.

"Ako ng bahala sa ipis, hintayin mo lang ako ay may kailangan lang akong gawin." Namumula itong tumango kaya natawa nalang ako. Iniwan ko siya sa hallway bago tuluyang pumasok sa kwarto ni Ms.Pillow.

Kamuntik ko ng mabitawan ang hagdan na dala ko ng aksidente ko siyang nakitang nagbibihis.

"S-sorry!" Mabilis kong isinara ang pintuan ng banyo at napasapo sa dibdib. Marahas akong napahawak sa hagdanan dahil nawalan ako ng lakas sa nakita ko.

Pucha may banyo naman bakit doon pa talaga niya napiling magbihis.

Ramdam ko ang init ng mukha ko pati ng katawan ko kaya napapapaypay nalang ako gamit ang kabila kong kamay.

Huuuh ang inet shet!

Bumukas ang pinto kaya napatayo ako ng maayos. "H-hi." Owghad magkasama na kayo simula kanina tapos babatiin mo siya ng Hi,tanga lang Zi.

"You can come in now." Tumango ako rito at nilagpasan na siya.

Inayos ko ang hagdan sa may tapat ng cabinet kung saan ko ilalagay ang maleta tyaka ito binuhat paitaas.

Bumaba ako ng matapos ko ng mailagay yon sa taas. Muli kong itinupi ang hagdan. "Okay na Ms.Pillow" nakangiti kong usal. "Pindutin mo nalang yung button nayon kung may kailangan kapa." May mga ininstall akong alarm sa bawat kwarto nila kung saan isang pindot lang nila dito ay maririnig ko na yon sa loob ng kwarto ko. Saganon ay mas malalaman ko kung kailangan ba nila ng tulong.

"Thanks Zi." Nagulat ako sa paghalik nito sakin kaya hindi ako kaagad nakagalaw. Sinundan ko siya ng tingin at sumampa na siya sa kama niya na parang walang nangyari.

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon