CHAPTER 40

1.3K 67 7
                                    

IZIAH POV

Lumipas ang ilang lingo at pasukan nanaman namin. Five months na ang ipinagbubuntis ng apat kaya halata narin ang tyan nila. Maraming nagtataka sa school kung sino ang nakabuntis sa apat at kung paano nila naitago ang kundisyon nila ng matagal. Mga dakilang chismosa talaga lahat nalang pinapaki-alaman.

"Sigurado ba talaga kayo mga miss? Nasabi ko naman na kay dean ang tungkol sa kundisyon niyo pumayag nadin ang mga teachers niyo na huwag na kayong pumasok, inihanda narin nila ang mga requirements na kailangan niyo lang ipasa kaya hindi niyo na kailangan pang pumasok araw araw." Nag-aalala lang ako sa kung ano ang pwdeng mangyari sakanila.

Sa araw araw na pagbiyahe palang pagod na ang aabutin nila at siguradong mapapagod pa sila sa pag-upo sa buong magdamag. Isa pa sa iisipin ko ang mga chismosa nilang classmates. Siguradong mag-aala reporter ang mga yon sa kakatanong.

Naramdaman ko ang isang kamay sa may balikat ko. "We will be fine baby, uupo lang naman kami don para makinig."

Yun na nga eh uupo lang sila don pero diko parin maiwasang hindi mag-alala dahil marami paring pwdeng mangyari kahit nakaupo kalang.

"Sweetheart" nabaling naman ang tingin ko kay Ms.Pillow. Inalis ni Ms.Sav ang kamay nito sa balikat ko para bigyang daan si Ms.Pillow sa harapan ko. Nakahawak ang mga kamay ni Ms.Pillow sa magkabila kong pisngi habang siya naman ay matamang nakatingin sakin.

"Wag ka ng mag-alala samin we will be careful diba girls?" Nagsitanguan sila. "Kaya wag ka naring mag-alala pa. Tatawag naman din kami if something happen." Magaling pala sa pangungumbinsi si Ms.Pillow nagagawa niya akong pakalmahin sa pag-iisip ko ng kung ano ano. "Look, sweetheart. I know you are scared about the idea of us still coming to school, but we promise you that nothing will happen to us. We will just be there listening to the discussion and nothing more, so please calm yourself and don't think too much. Look, you're losing your hotness." Kumunot ang noo ko siya naman ay payak na natawa bago ako nakawan ng halik.

"That's enough we're already late." Pagtataray na turan ni Ms.Autumn. Tinawanan ito ni Ms.Pillow bago ako tuluyang bitawan at puntahan ang gawi neto.

"Selos yern." Galit na pinukulan siya ng tingin ni Ms.Autumn. Tatawa tawa parin si Ms.Pillow habang pasakay ng van.

"Well be fine baby." Nakangiti akong tumango kay Ms.Sav bago ito lumapit para halikan din ako.

"Thank you for taking care of us love." Hayag naman ni Ms.Light bago rin humalik sa labi ko.

Naiwan ako sa labas ng sasakyan at maging si Ms.Autumn narin. Unti-unti na talaga akong nasasanay na halikan sila sa labi kahit sa harapan ng isat isa.

Ako na ang lumapit kay Ms.Autumn dahil alam ko namang hindi siya lalapit sakin ng kusa. Pabebe kasi ang madam niyo gusto siya ang nilalapitan.

"Please take care of yourself at school."

"As if they can hurt me." Ikot nito ng mata na bahagya kong ikinatawa.

"Bakit ko nga ba yon sinabi? I know that nobody will touch you unless they want to be dead meat haha." Pinalo ako nito sa braso bago pinatay sa tingin. Natatawa nalamang akong umiling bago siya mabilis na hinalikan sa labi. Namutawi ang pamumula sa mukha niya bago inis na umakyat ng van.

Kung diko lang alam na kinikilig siya sa ginawa ko baka naniwala pako sa pachix movement niya.

Nakangiti akong sumakay ng driver seat at nagdrive papasok. Sa kalagitnaan ng pagddrive ay bigla nalamang akong nakaramdam ng kung ano.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko na para bang may kung anong pangyayari ang hindi ko magugustuhan.

"Watch out!"

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon