Chapter 21

1.2K 70 5
                                    

A/N: tatanggapin ko nalamang ang katotohanan na hindi kita maaring maging aking kasintahan. Thank you narin kasi pinasaya moko Miss A Cutiee haha. Dipako nakakarecover pwde pang magbago isip mo haha. Char. Okay lang. Promise wait kita. Lande? No just the truth.

Connect? Wala lang haha.

Enjoy!

Eli/Iziah POV

Nasan naba ako? Oo nga pala andito ako sa bar ni Pillow. Nagpapakalasing sing sing yeah~

"Hinay hinay." Inalalayan ako ni vine ng muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko. Mabuti nalang talaga at natyempo ang pagdaan niya kaya hindi ako natuluyan.

"Thank you pre." Napatakip ito sa ilong. Lah dinaman mabaho hininga ko ah.

"Taena pre amoy chico kana." Nagawa pakong tawanan ng gag*

"Haha pasensiya na yun lang prutas namin sa bahay." Pareho kaming natawa sa naging biro ko.

Mabait naman pala ang gag* kahit medyo weird parin siya kung makatingin. Ang lagkit makatingin parang may pagnanasa sakin eww.

"May kasama kabang pumunta dito?" Umiling ako bago muling harapin ang basong nakapatong sa counter top. Nandito rin pala si azul siya ang bartender na nagseserve sa counter habang si vine naman ang waiter.

Ngayon ko lang naabutan ang bar na busy kahit na maaga pa. Diko alam anong meron pero mabuti narin ito, at least maraming customer si Autumn.

"Mukhang lasing kana gusto mo bang tawagan ko si boss para ihatid ka?." Tatawagan si pillow as if naman may paki-alam sakin ang babaeng yon.

"Wag na kaya ko namang umuwing mag-isa" ayoko ring makaabala sakanila ng babe niya.

Babe amputek ang panget! Parang tawagan ng pokpok at manggagantyo.

"Hayaan muna vine ako ng bahala sa isang to." Rinig kong usal ni azul.

"Ihahatid mo ko?" Natatawa naman itong umiling. Anong nakakatawa sa sinabi ko?

"Wala akong kotse nakabike lang ako paano kita ihahatid." Ano namang problema kung bike lang ang meron siya.

"Pwde naman." Muli akong uminom sa beer mug ko. Nangangalahati na pala to ang bilis naman maubos ng 500 ko haha.

"Seryoso ka ba diyan?" Pinaningkitan ko siya ng tingin. Lumalabo na ang paningin ko medyo hindi kona siya makita ng maayos.

"Oo." Basta may gulong may patutunguhan. Gets?hindi? ako rin hindi eh.

"Lasing kana nga." Naiiling pa nitong turan.

Naramdaman kong may umupo sa tabi kong upuan kaya nakuha nito ang atensyon ko. Kagaya kanina ay naningkit muli ang mga mata ko. Taena ang lapit nalang hindi ko pa makita ang itchura.

Napatampa nalang ako sa ulo ko para mawala ang hilong nararamdaman ko. Konting alog baka mahulog. Nang hindi kona makaya pa ang pagkahilong nararamdaman ko ay tuluyan na akong napasubsob sa counter top.

Tulog munako saglit baka sakaling maging okay ako ulit.

Naalimpungatan ako ng maramdaman ko ang brasong pumalupot sa bewang ko. Pamilyar yung amoy pero baka common lang yung pabango nato sa market. Iwasan ang umasa para hindi nasasaktan ng sobra.

"Kanina paba siya dito?" Parang pamilyar din yung boses. Impossble naman hindi naman ako pag-aaksayahan ng panahon ng babaeng yon.

Baka nga masaya pa siya sa piling nung bago niya. Tss

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon