Chapter 5

2.4K 110 4
                                    

Last UD for tonight.
Masarap kasi yung avocado haha.
Good night!

"Excuse me ma'am pinapatawag po kayo sa faculty." Lahat ng atensyon namin ay natuon sa babaeng nagpatigil ng klase namin.

Sumulyap ito sa loob kaya nagtama ang paningin namin.

Siya nanaman.

"Savannah Crisostomo."

"Let us continue our lesson tomorrow may emergency lang. Class dismissed."

Mabilis akong tumayo pagkatapos kong iligpit ang mga gamit ko at dumiretso na salabas. Sinong mag-aakalang wala rin palang pasok ang ibang department dahil sa emergency meeting nayan.

Ano kayang meron?

Napagpasyahan kong dumiretso sa gymnasium para doon magpahinga.
Iilan lang ang tao sa loob. Mabuti nalang pala at diko naisipang pumunta.

Humiga ako sa bench. Tulog muna ako wala rin namang pasok.

Pakiramdam ko ay may nakatingin yata sakin kaya muli kong naidilat ang aking mga mata.

Weird. Wala namang tao.

"Hello."

"Ay kabayong bakla!" Sinamaan ko ng tingin si Savannah sa pagtawa nito sakin.

"Bakit ka nandito?" Ang lakas pang manggulat. Siya siguro yung naramdaman kong nakatingin sakin kanina.

"Sinundan talaga kita dito. Hindi ko inakala na magugulatin ka pala." Ang babaeng to nagawa pakong asarin.

Umayos ako ng upo siya naman ay tumabi sakin.

"Anong sadya mo rito?."

May inilabas itong lunch box mula sa bag niya.

"Kakain." Binuklat niya ang lunch box na dala niya doon ay sumalubong sakin ang amoy ng isang masarap na putahe.

Chicken curry.

"Kain tayo." Inabutan niya ako ng kutsara pero hindi ko tinanggap.

Close ba kami. Sapagkakaalala ko hindi naman kami mag kaibigan.

"Ayaw mo?" Umiling ako.

"Okay."

Nagscoop siya ng kanin at ulam tyaka ito isinubo na parang nasa isang commercial.

Patikim din ang isang to.

Inihilig ko nalamang ang katawan ko sa sandalan ng bench at muling pumikit.

"Sigurado ka ayaw mo?"

Nagdilat ako ng mata. Sarap na sarap siya sa pagkaing kinakain niya.

"Uyy sigurado kabang ayaw mo?"

Napangiwi ako dahil kahit puno ang bibig niya salita parin siya ng salita.

Kairita ang babaeng to hindi ba niya alam ang salitang manners.

"Ayaw ko." Ang kulit.

"Taray mo naman inaalok kalang ng pagkain eh."

Cute pero hindi ko bet.

Nagligpit siya ng baunan niya ng matapos siyang kumain. Talagang naubos niya ang pagkaing yon ng siya lang huh.

"Bakit nga pala wala kang kasama dito? Wala ka bang friends?" May diin pa talaga yung friends.

May friend ako pero.....

"Wala."

Napatalon ako sa biglang pagpalakpak nito.

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon