CHAPTER 63

949 79 5
                                    

IZIAH POV...

"Kesh halikana kain." Aya sakin ni Agatha.

Exactly 12:00nn.

"Ligpitin ko lang to." Tumango ito sakin at nagsabing hihintayin nalang ako sa elevator.

Ang bilis ng oras parang kanina lang ay kausap ko si Sav at narinig ko talaga siyang humingi ng sorry.

Akala ko hahayaan niya nalang na dikami magpansinan. Biruin mong hihingi ng sorry ang boss sa empleyado.

Pero at least kahit papaano ay nabawasan yung sakit na naramdaman ko.

"Gezzz ang ganda talaga ng kaibigan ng mga boss natin no? Alam ko apat silang lahat na magkakababata. Sana meron din akong kababatang ganon kaganda at kayaman" parang bubuyog na nagbubulungan ang mga nakasabayan namin sa elevator.

Katabi ko si Agatha sa may gilid ng elevator habang may kasama naman kaming taga ibang department sa loob.

"Kung ganon ba naman kaganda ang makakasama mo araw araw hindi kaba naman maiimpluwensiyahang mag-ayos ng sarili."

"Korak! Nahiya nga ako kanina ng magtanong siya sakin kung saan ang office ni Ma'am Savannah. Muntik ko pang makagat ang dila ko habang nagsasalita mabuti nalang talaga at hindi natuloy kundi nakakahiya sakanya."

"Aysus yan tayo eh. Makakita lang ng maganda parang hindi babae."

"Gaga. Nagagandahan lang ako sakanya pero hindi ibig sabihin non babae na ang gusto ko. Dun parin tayo sa may lawit kahit nakakaakit siyang tumingin."

Napapangiti at iling nalang ako habang nakikinig sa usapan nila.

Halata naman kasing kilig na kilig si ateng nagkukwento. Dipanga natatapos ang sasabihin kinikilig na agad.

Bumukas ang elevator, kaya lumabas narin kami kaagad.

"Excuse me po! Andito po ba si Ms. Akesha Magpayo? AKESHA MAGPAYO PO! MAY DELIVERY PO KAYO." Parang timang na sigaw ng lalake sa loob ng canteen. Walang pumapansin sakanya. Pinagtitinginan ngalang siya, eh.

"Nagpadeliver kaba ng pagkain?" Siko sakin ni agatha na inilingan ko naman.

"Kung nagpadeliver ako ng pagkain, hindi nako baba dito."

"Sabagay." Lumapit na kami sa lalakeng kung makasigaw ay parang nagbebenta ng isda sa palengke.

Nahihiya narin ako sa ibang tao dahil kalat na kalat na ang pangalan ko ng dahil sakanya.

"Akesha Magp---"

"Tama na kuya. Oo ako si akesha. Akin na yang delivery at baka masipa kita palabas ng kumpanya." Takot naman nitong inabot sakin ang brown na paper bag at tumakbo na paalis.

Ang sama tuloy ng tingin sakin ng ibang kumakain.

Sinilip ko ang nasa loob at doon ay nakita ko ang pagkain na halatang mamahalin. Packaging palang sasampalin kana ng kahirapan.

"Kanino galing?" Nagkibit balikat ako.

Nilabas ko ang lalagyanan ng pagkain at tama nga ako may sulat nga. Kaya lang hindi sulat kamay kundi printed.

"I don't think that you forgive me already. So this is my peace offering for you. I hope you like it.

-S"

"Lah siya. Sino yan jowa mo? In fairness, ang sweet ha. Kaimbiyerna sana ako din may paganyan kapag nagkakaron ng tampuhan." Inggit na inggit na turan niya.

Napailing naman ako at pumwesto na sa mesa, habang siya naman ay pumila pa sa counter.

Kilala ko na kung sino ang S na nagbigay nito. Isa lang naman ang S na may kasalanan sakin at wala ng iba pa.

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon