CHAPTER 69

1.2K 73 10
                                    

Kapit medyo masakit.

Superrr late Update.

Basta kaya, mag U-UD konting hintay lang wag masyadong nagmamadali.

THIRD PERSON...

Kasalukuyan ngayong may namumuong tensyon sa pagitan ni Iziah at Savannah.

Sumbatan at batuhan ng masasakit na salita ang ipinupukol ng bawat isa sakanila na halos kahit na sinong umawat ay walang makakapigil sakanilang salpukan.

Dala narin ng galit na namuo sa puso ni Iziah sakanyang mga nalaman ay hindi na niya napigilan pang sumabog lalu na ng masumbatan siya ni Savannah kung bakit hindi muna hayaan ni Iziah na magpaliwanag ang apat kung bakit nila ito nagawang kidnapin.

Dala narin ng galit, hinagpis at sakit na nararamdaman ni Iziah ay naging sarado ang kanyang tenga sa paliwanag nito kaya mas lalo lamang lumaki ang away dahil pareho nilang pinipilit ang mga bagay na hindi pa dapat pag-usapan sa mga oras na ito.

"Marahil nga ay may kasalanan akong nagawa sainyo noon, nag sinungaling ako sa katauhan ko pero ginawa ko naman ang lahat para mapunan ang pagkakamali ko noong si Eli pako at naging maayos naman tayo don diba? Nagkaintindihan na tayo sa bagay nayon pero yung parte kung saan isa ako sa naging dahilan kung bakit kayo nawalan ng ala-ala at nawalan ng dangal noong mga bata pa, lahat ng yon ay hindi ko kagustuhan."

"Alam ng Panginoon kung gaano ko sinubukang pigilan ang gustong mangyari ni vincent pero gaya niyo ay mahina lang din ako, kaya kasalanan ko ba kung kailangan kong pumili kung kayo o ang sarili ko. Kasalanan ko ba kung kahit anong pagmamatigas ko ay may lubid na nakapalupot sa leeg ko, lubid na anomang oras ay maaring sumakal sakin kapag tumanggi ako sa pinapagawa niya."

"Kasalanan ko ba na mag crus ang mga landas nating lahat?! Kasalanan ko bang mahulog ako sainyo at ganon narin kayo sakin?! Tangina! Lahat ng yon hindi ko ginusto, laha ng sakit na naidulot ko sainyo ay diko sinasadya, at alam ko sa sarili ko na pinagsisihan ko lahat ng yon. Sa pagpikit ko maging sa pagdilat o kahit sa paniginip ay hinahabol ako ng nakaraan kong yon pero ginawa ko parin ang makakaya ko para mapatawad ko ang sarili ko."

"Ginawa ko ang lahat lahat para lang makapagpatuloy ako at kahit na gusto ko mang ibalik ang nakaraan, bumawi sainyo ay hindi ko magagawa dahil naganap na ang dapat maganap pero isang bagay lang ang hindi ko maintindihan at maunawaan ng lubos."

Kahit lumuluha ay nilakasan ni Iziah ang loob niya na tumingin ng diretso kay Savannah. Maging ito ay lumuluha din dahil sa mga narinig nito sakanyang minamahal.

"Sabihin mo nga sakin Sav hindi bako naging mabuting tao from the first day that we've met? Hindi ba naging sapat ang binigay kong pagmamahal sainyo para magamot ko ang sugat na naidulot ko noong mga bata tayo? Hindi ba talaga naging sapat ang lahat ng yon para maipakita ko ang sinseridad ko sa paghingi ko sainyo ng tawad? Na nagawa niyo akong talikuran at ipagkalulo sa taong naging dahilan kung bakit nagkaron ng malaking bitak ang masaya at memorable sana nating childhood days. Ganon ba kadaling itapon ang pagmamahal ko para sainyo? At nagawa niyong makipagkampihan sa taong gustong pumatay sakin."

" Oh nvm. Hindi kona pala dapat itinatanong yon dahil matagal niyo ng nagawa. Siguro naging masaya kayo noong nabalitaan niyong patay nako. *shaking head, laughing while crying* isa sigurado kayo sa nakisaya ng malaman niyong wala na ang taong nagbigay sainyo ng labis labis na sakit. Sayang... Sayang talaga, akala ko talaga ay mahihilom pa ng pagmamahal ko ang lahat ng sakit na naidulot ko sainyo."

"Isang malaking akala nalang pala yon."

Todo iling pa si Iziah dahil masyadong naging mataas ang expectation niya na hindi siya tatalikuran ng mga taong minahal at pinagsilbihan niya ng husto.

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon