Chapter 4

2.5K 135 18
                                    

Medyo may kalandian ang chapt nato.
Slight lang naman.
Bonus Chapt for today.
Nakakain kasi ako shawarma. Sarap😋

Iziah Feliciano

Ito ang unang araw ko sa university bilang si Eli. As of now wala namang kakaibang nangyari maliban lang sa buong magdamag akong na bored sa klase ko.

Kasalukuyan ko na ngayong binabagtaas ang daan patungo sa canteen.

Isang building nalang at malapit nako ron ng makarinig ako ng sigaw na nagpatigil sakin.

"Ang kapal naman talaga ng mukha mo para landiin ang boyfriend ko. Tandaan mo, hindi porket sikat ka ay hahayaan na kitang magreyna reynahan rito. Baka nakakalimutan mo ako parin ang presidente ng student council."

Ang tinis ng boses ng babaeng ito. Malayo na nga ako sa pwesto nila rinig na rinig ko parin kung gaano katinis ang boses niya.

"Oh common Mila bakit hindi mo pa siya turuan ng leksyon para naman magtanda ang babaeng yan." Hindi kagaya kanina ay medyo buo ang boses ng babaeng nagsalita.

Come on Iziah hindi mo siya responsibilidad.

Utang na loob tigilan mo ang pagiging superhero sa buhay ng iba.

"Wag!"

Haist. Last nato Iziah please lang wag ka ng makikialam pa sa problema ng iba.

Tumakbo ako patungo sa pinanggalingan ng sigaw. Doon ay naabutan ko ang babaeng nabangga ko noon sa hallway. Gutay gutay ang damit niya at ang gulo rin ng buhok niya. Parang nakipagsabunutan siya sa mga babaeng nakapalibot sakanya ngunit ang pinagkaiba ngalang ay ang mga babaeng yon ay hindi manlang nagulo ang buhok.

"Lumaban ka! Ang kapal ng mukha mong magmatapang. Ngayong wala ang mga kaibigan mo wala kang kakampi rito." Napakuyom ako ng aking kamao ng makita ko kung paano nito sinampal ang babae.

Ayoko talaga ng away pero bakit kusang lumalapit sakin ang mga ganitong eksena.

"Kung ako sainyo patayin niyo nalang yan." Napalingon silang lahat sa kinaroroonan ko.

Nakasandal ako sa pader habang nakatingin sa sapatos ko. Naputikan na tuloy.

"At sino ka namang paki-alamero ka?."

Hmm.tingin ko siya yung tinawag na Mila kanina. Ang tinis ng boses eh.

"I'm just a nobody." Sumulyap ako sa babaeng nakaluhod sa lupa at napailing.

Hay.  Mukha siyang ginahasa sa itchura niya ngayon.

"Kung hindi niyo tatantanan ang babae sisiguraduhin kong makakarating ang lahat ng to sa dean. Sigurado akong hindi niya palalampasin ang bagay nato lalu na't sa building ng law pa kayo nanggulo. Hindi niyo na ginalang ang mga judge na nakakarinig sa kawalanghiyaan niyo. Tignan lang natin kung hindi kaya mapatalsik sa skwelahang to."

Bumakas ang takot sa mga mukha nila at walang ano-ano'y bigla nalamang tumakbo.

Mga duwag.

Binalingan ko ng tingin ang babae.

Poor girl.

Lumuhod ako rito at kinarga ito. Napatili pa siya sa ginawa ko ngunit unti-unti koring naramdaman ang pagkalawit ng braso niya sa leeg ko.

Dinala ko siya sa clinic para ipalinis ang mga sugat niya.

Aalis na sana ako ngunit tinawag pako ng nurse.

Ano bayan ngugutom na ako eh.

"Pwde bang ikaw na ang humawak neto may kailangan lang akong puntahan saglit." Tumango nalamang ako rito.

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon