CHAPTER 44

1.1K 59 1
                                    


IZIAH POV

Halos kakarating lang namin ni june sa bahay. Pinagbuksan ko siya ng front door nakakahiya naman kasi kung hindi eh bahay ko to.

"Thank you" napakalaki ng ngiti niya na tinanguan ko lang.

Napabuntong hininga ako dahil pakiramdam ko pagpasok ko palang ng bahay ay may kung ano nanamang mangyayari. Ganitong ganito ang pakiramdam ko bago ko masagasaan si nerd.

Hay tama na nga ako ang nag-invite sakanya kaya nararapat lang na asikasuhin ko siya.

"Ang ganda ng bahay mo." Manghang mangha yata siya sa nakikita niya.

Sus kundi ko lang alam na mas mayaman siya sakin

Lumapit siya sakin at kumapit sa braso ko para bang sobra siyang natuwa sa mga nakikita niya. Wala namang special sa bahay nato tanging ang mga prinsesa ko lang ang special.


"Waaah ang ganda talaga ng desenyo ng bahay mo napakaminimalist tapos yung mga painting ang ganda din nila parang gusto ko narin tumira dito!" Diko napigilang maubo sa sinabi niya.


"Ehem." Mabilis kong binawi ang braso ko kay june na ikinataka niya pero ng makita niya ang mga babae sa harapan namin ay mukhang nakuha na niya kung ba't ko nagawa yon.


"Hello I'm June" masigla nitong bati sa apat at isa isa pa niya silang niyakap.

Maski ang apat ay nagulat sa ginawa niya, don't ask me dahil lalu naman ako. Diko expect na yayakapin niya sila na parang matagal na silang lahat na magkakakilala. FC ang bata.


Muli siyang lumapit sa gawi ko ng may napakalaki paring ngiti sa labi. "Ghad they're so beautiful!" Gusto kong matawa dahil mukhang sobra talaga siyang na starstruck sa ganda ng mga prinsesa ko.


"Don't worry kid makakahanap karin ng kagaya nila." Napasimangot ito kaya tinawanan ko. Tinap ko ang ulo niya at bahagyang ginulo ang buhok niya. Agad niya namang inalis ang kamay ko at inis akong tinapunan ng tingin.

Owe sungit yarn haha.


"EHEM." Malakas na tikhim ng kung sino na nagpabalik samin sa totoong mundo. Andito nga pala ang mga mahal ko.

Pinaningkitan nila ako ng mga mata kaya napayuko nalamang ako at napakamot. "Let's  go on the dinning table." Tumango nalamang ako kay Ms.Pillow na mukhang wala nanaman yata sa mood hindi lang pala siya kundi maging ang tatlo pa.


PILLOW POV

Agh. Zi told us that she would bring a friend to join us for dinner hindi naman na kami nagtanong pa, mas pabor samin yon dahil  makikilala namin kung sinong kaibigan ang tinutukoy niya.

Maliban sa nag-iisa niyang kaibigan na si ruffa wala na siyang ipinakilala pa samin na kahit sino. Mabait si Zi at maalalahanin lalu na samin diko alam kung ganon na talaga siya noon pa kaya nakakapagtaka kung bakit iisa lang ang kaibigan na laging niyang kasa-kasama.


Matalim ang mga tingin ko sa babaeng nasa kabilang mesa. Katabi ni Zi ang sinasabi niyang kaibigan niya pero parang ayokong maniwala na kaibigan lang ang turing sakanya nito, dahil kitang kita ko kung paano siya ngumiti kay Zi at makadikit dito.


"Ehem..so where have you guys met?" I suddenly asked.

Natigil sila saglit sa pagkain. Humarap sakin ang babae na may napakalaking ngiti. Hindi ba siya napapagod ngumiti kanina pa siya naasar nako.


POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon