Chapter 20

1.3K 61 3
                                    

"Ano ng plano mo ngayon?"

Andito parin kami ni ruffa sa park. Kinuwento ko sakanya lahat ng nangyari samin nung apat. Nagulat pa nga siya ng sabihin kong pinili ko siya kesa sakanila.

Oo mahal ko yung apat na lukaret nayon, at kung papipiliin ako kung anong mas mahalaga para sakin, kung ang buhay nila o buhay ko mas pipiliin ko ang buhay nila.

Kaya lang noong mga oras na pinapili nila ako kung si ruffa ba o sila. Hindi ko mawari pero walang pagdadalawang isip na pinili ko si ruffa.

Yes, si ruffa. Siya ang unang taong pumasok sa isip ko. Siguro dahil narin sa mga masasamang bagay na nagawa ko sakanya kaya walang pagdadalawang isip ko siyang pinili.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon kung saan pinili ko siya, pinili ko ang pagkakaibigan namin kaya lang kapalit naman nito ang estado ko sa apat.

Sabihin niyo sakin. Malibang pinili ko siya? Malibang pinili ko sa kauna-unagang pagkakataon ang kaibigan ko?

"Wala kang plano?" Umiling ako.

Wala akong plano, dahil wala rin ako sa tamang katinuan para mag-isip ng dapat kong gawin.

Napakamot ito sa pisngi na parang hindi nagustuhan ang sinabi ko. Naiinis nanaman siya sakin haha,  kung sabagay kailan ba siya hindi nainis sa mga desisyon ko sa buhay.

"Ang mabuti pa umuwi na muna tayo, bukas na natin pagplanuhan kung paano mo makukuha muli ang mga babae mo."

"Makababae ka naman parang ang dami nila ah."

"Bakit hindi ba?" Suplada nitong usal.

"Sakto lang." Akmang babatuhin ako nito ng bato na napulot niya sa lupa ng mabilis akong tumakbo pabalik ng sasakyan.

"Gag* ka bumalik ka dito!"



*~*~*

Kanina pakami nag-aabang ni ruffa sa may gate. Hinihintay namin ang pagdating ng apat. Naisip niya na siya na ang magpapaliwanag sa apat kung ano nga ba talaga ang estado naming dalawa, dahil kung ako raw ang magpapaliwanag ay baka lalu lang daw silang hindi maniwala. Manloloko raw kasi ako kaya sadyang napakahirap paniwalaan ng mga sasabihin ko.

"Ayan na." Siko nito sa tagiliran ko ng mataman namin ang mga kotseng paparating.

Apat na kotse pero ang isa sakanila ay hindi ko masyadong namumukhaan.

Binuksan ng guard ang gate at kinausap ang nasa loob nito, maya-maya lang ay pinapasok niya narin ang mga kotse sa loob.

"Tara na." Paghila nitong isa sakin na parang kaladkaring babae.

Nagpark ang apat na kotse sa tabi mismo ng sasakyan ni ruffa. Inaabangan ko ang pagbaba ng apat ngunit hindi ko inaasahan ang makikita ko.

Imbis na apat na babae ang makita ko ay apat na lalake ang bumaba sa may driver seat, umikot sila patungo sa passenger seat kung saan lulan nito ang apat na babaeng minamahal ko. Sino naman tong mga mokong nato?

"Kilala mo?" Umiling ako. Hindi ko sila namumukhaan bago lang silang lahat sa paningin ko. Lalu na yung kasama ni Autumn na mukhang walang gagawing matino.

Napahigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko ng makita ko kung paa nila ipalupot ang mga braso nila sa bewang ng apat. Imbis na alisin ng apat ay hinayaan pa talaga nila.

"Kumalma kalang baka makapatay ka."

"Talagang makakapatay ako kung hindi nila bibitawan ang pag-aari ko."

Kumukulo ang dugo ko. Nawala lang ako ng isang araw ganito na agad ang eksenang makikita ko.

"Izia--Eli san ka pupunta!" Hindi ko sinagot si ruffa dahil tinahak ko na ang daan patungo sa kinaroroonan ng mga taong kanina ko pa hinihintay.

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon