Chapter 13

1.6K 83 2
                                    

Wag mong ligawan ang isang tao kung hindi mo naman nakikita ang future mo kasama siya.

Another UD for today!
Galaw galaw sa comment section para ma inspire naman si Author.
Anywwy Enjoy!

Iziah/Eli POV

Kasama ko si Light na ngayon ay nakikipag-usap sa manager ng kilalang coffee shop sa syudad.

Humingi siya ng tulong sakin para ipagmaneho siya. Akala ko hindi na niya itutuloy pa ang paghahanap ng trabaho pero mukhang desidido talaga siya.

Nakipagkamay ito sa manager na ngayon ay napakalaki ng ngiti. Hindi  maiwasang hindi kumulo ang dugo ko dahil hanggang ngayon ay hindi niya parin binibitawan ang kamay ni Light.

Puputulin ko yang kamay mong demuho ka.

"I'll see you tomorrow Ms. Mitchelle, and welcome to the team." Rinig kong usal nito pagkatapos bitawan ang kamay ni Light. Mabuti naman at binitawan mo rin ang kamay niya dahil talagang puputulin ko yan.

"Thank you sir." Nakangiting bumaling ng tingin sakin si Light at kumaway pa.

Ngumiti ako pabalik at nag thumbs up pa. Ang galing talaga ng girlfriend ko.

Lah girlfriend daw.

"My trabaho nako!" Masaya kong sinalubong ang yakap niya. Hinigpitan ko pa lalo ang pagyakap ko sakanya. Ang bango talaga ng isang to ano kayang lasa niya *blink x2* Bastos na utak.

"San mo gustong kumain? Sagot ko to don't worry." Natatawa kong usal. Pinagbuksan ko siya ng pinto.

"Mc Donaldo tayo miss kona makita yung clown na kamukha ni Joker." Pareho kaming natawa. Dinamay pa talaga ang mascot haha.

Iling iling akong sumakay ng driver seat. Pagkasakay ko ay pasimple akong lumapit sakanya. Ang sarap niyang halikan isama mo pa ang lipgloss na pinili ko para sakanya. Shet nakakapangakit ka Light!

"A-anong g-gainagawa mo?" Nakaisip ako ng pilyong ideya. Mas inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya na ikinahigit niya ng hininga.

Ang cute. Halikan ko na kaya to wala naman yung tatlo kaya walang papatay sakin.

"E-eli" ang sarap lang marinig ng pagkautal niya haha.

"Yes?." Mas pinasexy ko pa ang boses ko. Gaano kaba katatag Light? Matibay kaba sa tukso o marupok kagaya ng nagbabasa ngayon?

"I-ito na ba yung time na ga-gawin natin a-ang bagay na yon?." Gusto kong humagalpak ng tawa.

Jeez akala niya ba gagawin ko yon sakanya haha. Kahit gustong gustokong gawin yon ay hindi ko naman hahayaan na sa kotse ang una naming pagniniig. Respeto ko narin sakanya ang bagay nayon at deserve niyang ikama sa malambot na kama hindi sa maugang kotse ko haha.

"Ang cute mo alam mo ba yon." Usal ko pagkatapos ko siyang halikan. Mabilis kong inilagay ang seat belt niya at binuhay na ang makina.

"Aray!" Paluin ba naman ako sa braso.

"Pakyu ka!" Nagcross arm ito at masama ang timplang tumingin sa labas ng bintana.

Bahagya akong natawa sa inasal niya. Don't tell me kaya siya nagkakaganyan dahil gusto niya na talagang gawin namin yon dito---OMG! Sana pala itinuloy ko nalang.

"Uyy kausapin munako." Kanina ko pa siya kinukulit na kausapin ako pero mukhang tampo talaga ang ate niyo.

Nandito na ngarin pala kami sa Mc do. Kumakain narin kaming dalawa pero hanggang ngayon di niya parin ako pinapansin.

"Pst." Pero hindi siya tumingin.

"Psssst." Ayaw talaga akong tignan.
Mukhang wala talaga siyang balak na kausapin ako. Hay.

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon