CHAPTER 43

1.3K 63 1
                                    

IZIAH POV

Pagkamulat palamang ng mata ko ay madilim na paligid na ang sumalubong sakin. Black out ba?

Tumayo ako ng kama at binuksan ang ilaw ngunit mabilis korin yong pinagsisihan dahil sumakit ang mata ko sa liwanag ng ilaw.

Inudjust ko muna ang paningin ko bago ko muling iminulat ang mata ko. Tumungo ako sa kama at hinanap ang phone ko tumambad sakin ang pagkarami raming messages. Isa isa ko yong binuksan ngunit mas nakuha ng guard na hinired ko ang atensyon ko.

"Ma'am ayon po sa nakalap naming impormasyon ay may vincent daw pong pasyente ang ospital na ito at kagaya po ng nakita ng guard ay may tattoo rin po ito sa braso."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko kaya dali-dali kong dial ang number nito.

"Ma'am?"

"Anong sabi ng ospital? Andiyan paba ang vincent na tinitukoy mo sa text?"

Gusto kong malaman kung siya nga ba talaga yon. Gusto kong makumpirma kung siya ba talaga ang demonyong batang yon.

"Vincent Araullo po ang pangalan ng dati nilang pasyente ma'am."

Hindi ako pwdeng magkamali siya ngayon.

"Pero ma'am wala na po rito ang lalakeng yon."

Does it mean siya na nga ang hinahanap naming kumidnap kay nerd.

"Ayon po sa nurse ay patay na po ang vincent nayon nabundol daw po ito ng truck at lubhang malala ang tinamo niyang pinsala kaya makalipas lang ang ilang araw na pamamalagi niya rito ay namatay narin po ito."

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

Patay na siya...

Para akong nabunutan ng tinik sa puso ko ngunit bumalik muli ang pagkalito sa utak ko.

Kung ganon sino ang lalakeng yon na kapareho niyang may tattoo sa braso? Pakana parin ba to ni nerd?

Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko o no ang paniniwalaan ko. Ang hirap kapag wala kang sagot sa mga bagay bagay.

"Thanks. Manatili lang kayo diyan sa ospital lahat ng makakalap niyong impormasyon ay ibalita niyo sakin."

"Masusunod po ma'am."

Tuluyan akong dumiretso ng banyo para maghilamos bumaba ako ng 2nd floor at tumungo sa kusina. Naabutan ko sila ron na parang seryosong nag-uusap natigil lamang sila ng pumasok ako.

Anong meron rito?

"Kain kana love" nagtataka man ay hinayaan ko nalamang si Ms.Light na alalayan akong umupo sa upuan ko.

Kumuha ng plato si Ms.Sav at pinagserve ako nito ng pagkain.

"Uhm..anong nangyayari dito?" Takang tanong ko dahil todo todo ang pag-aalalay nila sakin.

Parang kanina lang ay hindi nila ako pinapansin.

"Tyaka bakit ang dilim sa kwarto ko kanina?"

"It's already evening Hon, you've been sleep since 10 am."

"Ano!"

Susmaryosep 10 am anong oras na ngayon. Tumingin ako sa wall clock dito sa may kusina. Taena 6pm! Ang haba ng tulog ko.

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon