CHAPTER 46

884 44 4
                                    


IZIAH POV

Uuwi ng bahay si Ms.Pillow ngayon kaya diko maiwasang maexcite. Ilang araw ko narin siyang hindi nakita at nakasama. Kumusta nakaya siya? After ng pag-uusap namin noong nakaraan ay hindi na niya ako tinawagan pa. Nakakalungkot lang.

I texted her pero wala namang reply, siguro sinusulit niya talaga ang bonding niya with her family.

*beeep beeep*

Speaking of heto na yata.

"Ako na po manang!" Excited akong lumabas ng bahay para sana pagbuksan ng gate ang taong inaasahan ko pero nalungkot lang ako dahil wala naman akong sasakyan na nakita.

Papasok na sana ako ng may makita akong itim na kahon sa gilid.

Mabilis kong inilibot ang tingin ko sa buong paligid para hanapin ang nag-iwan ng kahont pero wala akong nakita ni isang tao.

*beeeep beeep*

Natanaw ko ang paparating na sasakyan ng mommy ni Ms.Pillow kaya nakangiti ko itong kinawayan at hindi na muna inisip pa kung ano ang nasa loob ng kahon.

"Good morning po." Magalang kong bati sa mommy nito tinanguan niya lang ako.

Don't worry expect ko narin na ganon ang magiging sagot niya. Alangan namang halikan niya ako sa pisngi ano kami mag-kumare.

Nangmaibaling ko ang tingin ko sa likuran ni tita (ehem close?) ay doon na nagliwanag ang paligid ko.

"Hi, I miss you..." Nakangiting usal ko kay Ms.Pillow bago siya nakawan ng halik sa pisngi. Mabilis lang dahil baka maputulan ako ng ulo ng nanay niya.

"Ako na po." Masuyo kong kinuha ang maleta ni Ms.Pillow at iginaya sila paloob.

"Manang paki-kuha naman po ng maiinom si tita--ang mommy ni Ms.Pillow." kasalukuyan nga palang nakikipagbeso ang tatlo sakanya.

"No need Feliciano aalis narin ako, hinatid ko lang talaga ang anak ko dito."  Ang lamig.

Kagaya noon ay nakakatakot parin talaga ang awra niya kapag kinakausap ako.

"Ganon po ba,hehe..uhm..sige po hatid kona po kayo sa labas." Tumango lamang ito kaya sumenyas muna ako sa apat na lalabas lang muna ako para ihatid ang mommy ni Ms.Pillow.

Nauna akong naglakad dito dahil pabibo ako at pakitang gilas kaya pinagbuksan ko ito ng pinto.

"Ingat po kayo." Nakangiti kong usal bago isara ang pintuan ng kotse niya.

Akala ko'y aalis na siya ngunit binaba niya ang salamin ng kotse. "Bakit po?"

"Alam mong ayoko sayo Feliciano"

Aray yun talaga ang ibungad.

"Pero nandito na tayo sa sitwasyon nato kaya alang-alang sa anak ko at sa magiging apo ko siguraduhin mong hindi mo sila sasaktan dahil kung ganon lang din naman ang mangyayari ay babawiin ko sayo ang anak ko. Nagkakaintindihan ba tayo?" Naintimidate ako sa mga tingin niya kaya ilang beses akong napalunok bago paulit ulit na tumango.

"I-ingat p-o kayo"

*beep beep*

Nakahinga lamang ako ng maluwag ng tuluyan ng naglaho ang kotse ng mommy ni Ms.Pillow sa paningin ko. Nagpakawala ako ng hangin bago tuluyang lapitan ang panibagong problema sa buhay ko.

Kinuha ko ng kahon at dumiretso sa likod ng bahay para doon nalamang pumasok. Ayokong magtaka sila sa kung ano itong hawak ko dahil alam kong isa nanaman ito sa pakulo ng h-yop na yon.

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon