Chapter 30

1.4K 82 8
                                    

Ngayon ang araw ng paglipat namin sa iisang bahay. Wala pa ang apat kaya naisipan ko munang magluto. Wag kayo puro prito lang to tsk.

Pagkarinig ko ng busina ng sasakyan ay agad kong pinatay ang stove at masayang tinakbo ang front door.

Sino kaya sa apat ang dumating? Nakaramdam ako lalo ng excitement sa pag-iisip na magkakasama na kami sa iisang bahay. Yung tipong araw araw niyong makikita ang isat-isa sa umaga at sa gabi. Makakasabay silang kumain, dun pala panalong panalo nako.


"Hi!" Nawala ang ngiti sa mga labi ko ng bumungad sa harapan ko ang mukha ng tatay ni Light.

Nakakatakot ang awra niya kaya para akong naestatwa sa kinatatayuan ko.

Sinikap kong sumilip sa may likod nito kahit hindi ko na kaya pang tumingin sa harapan ko. Sumalubong sakin ang nakangiting mukha ni Light kaya bahagyang naalis ang takot ko.

"H-hello p-po sir, pasok po!" Mas nilakihan ko ang pagkakabukas ng pinto.

"Ako na po sir." Mabilis kong kinuha ang maletang dala nito at itinabi na muna sa gilid.

"Good morning" ngumiti ng pagkalapad-lapad si Light kaya lahat ng kaba ko kanina ay tuluyan ng nawala.

"Good morning." Nakangiti akong tumango dito bago tuluyang isarado ang pinto.

Umupo kami sa may sofa. Kaharap ko silang dalawa. Mataimtim na nakatingin sakin ang ama ni Light kaya yung kabog ng puso ko tumindi nanaman.

Halata sa mukha ng tatay niya na hindi siya marunong magbiro. Hindi kaya boring ang buhay ni tito chos! Magiging father in law ko yan balang araw.

"Hindi ko alam kung anong nakita sayo ng anak ko, pero sa oras na paiyakin mo siya ako mismo ang maglilibing sayo sa hukay." Mababawasan pa ng magandang nilalang ang earth.


"W-wag po kayong mag-alala, hindi ko po hahayaang mangyari ang bagay nayon." Mabuti nalang at naideliver ko ng maayos yon. Kung alam niyo lang kung gaano na ngangatog ang mga binti ko ngayon. Gusto ko na nga ring mag collapse pinipigilan ko lang.

"Hm." Tumayo na ito mula sa pagkaka-upo. Tumingin pa ito kay Light, expect ko na may habilin ito sa anak niya pero tanging tango lang ang ginawa niya bago lumabas ng bahay.

Sa pagkakatanda ko, hindi maganda ang sitwasyon ni Light sa mga magulang niya kaya nga hindi ko rin inasahan na makikita ko sila noon sa bahay. Yun ang unang pagkakataon na makita ko sila at batid kong lalu silang na disappoint kay Light. Ramdam ko yon sa paraan ng pagkakatingin nila sa anak nila.

"Gutom kanaba?" Pinasigla ko ang boses ko para mabago ang atmosphere ng buong paligid.

Alam kong nasasaktan si Light sa trato sakanya ng tatay niya, kasalanan ko rin yon dahil mas lalo kong dinagdagan ang dahilan para magalit ang ama niya pero hindi ako nagsisisi na nakilala ko si Light, dahil isa yon sa pinakamahalagang bahagi ng buhay ko.

"May pagkain ba?" Lumapit ako rito at inilahad ang kamay ko sa harapan niya na agad niya namang kinuha.

"Wala kabang bilib sa cooking skills ko" though alam naman nilang hindi ako magaling magluto pero marunong naman ako magprito! Pagkain parin yon.


Ngumisi ito. "Gusto mo sagutin ko yan ng totoo?." Ang sama. Napapout ako pinisil niya naman ang magkabila kong pisngi.


"Mashaket." Tumawa ito bago ako hinigit papunta ng kusina.

Umupo siya sa upuan ng may ngiti sa labi at nagsimulang sumandok ng pagkain. Nakangiti lang akong nakatanaw sakanya dahil kahit prito lang ang niluto ko parang pang five star hotel ang nakikita niyang nakahain.


POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon