Chapter 32

1.3K 64 0
                                    

Pumutok ang usap-usapan patungkol sa video ng pamamahiya ko kay nerd ss cafeteria. Wala akong alam kung sino ang nagpakalat ng video at kung ano ang motibo nito pero ramdam kong gusto akong sirain ng taong yon.

"B*cth! Kulang payan sa ginawa mo."

"Buti nga sayo akala mo kung sinong maganda singbulok naman ng basura ang ugali."

Dumadaloy ang mga likido na itinapon nila sa katawan ko. May ketchup, juice,  ice coffee at kung ano ano pa. Naturingan akong maganda pero nagmumukha akong kawawang nerd sa pag-aalipusta nila.

Ayokong lumaban, ayokoring lumikha pa ng malaking gulo. Masyado nakong maring pinagdadaanan at ayoko ng dumagdag pa issue nato. Huhupa din ang issue sa mga susunod na araw kailangan ko lang magtiis sangayon.

"Zi! Mga walanghiya sila anong ginawa nila sayo?!" Hinablot ko ang braso ni ruru. Gigil na gigil siya sa nangyari sakin kaya alam kong hindi siya magdadalawang isip na sugurin ang mga gumawa sakin nito.

"Wag nalang nating patulan huhula din ito."

"Huhupa?! Kita mo nga yang ginawa nila sayo. Ginawa ka nilang basurahan Zi, tapos ikaw naman hinayaan mo lang sila! Hindi ikaw yan Zi. Hindi ikaw yung Iziah na palaban at hindi nagpapatalo." Alam kong pupunahin niya ang pagbabago ko. Lahat ng sinabi niya ay totoo. Hindi ko talaga ugaling magpaapi sa kahit na sino pero wala na ang dating Zi na palaban.


"Ruru kung lalabanan ko sila mas titindi lang ang hindi pagkakaintindihan. Wag ka ng mag-alala pa magiging ayos lang ako." Malayo din naman sa bituka itong mga ibinato nila aslong as walang patalim na ibaba sakin mabubuhay pa naman ako haha. Nagawa ko pa talagang magpatawa.

"Ano bang nangyayari sayo Zi?! Pumasok lang sa buhay mo ang apat na babaeng yon naging ganyan kana. Lumambot kana ng tuluyan at hindi mo narin nagagawa pang lumaban. Ipapaalala ko lang sayo, nasa bible lang ang pangalan mo pero hindi ibig sabihin non ay santo kana. Lumaban kanaman kahit one time lang." Mas stress pa yata siya sakin.

"Ruru walang kinalaman dito ang apat o kahit na sino paman. Kasalanan korin naman dahil totoong ginawa ko yon kay nerd, hanggang ngayon ay pinagsisisihan ko yon at kung gagawa pako ng panibagong kasalanan ay mas lalo ko lang yung pagsisihan." Pinilat ko siyang pakalmahin.

Naglalagkit na talaga ako kaya nakiusap na ako sakanya na kuhanin ang extra clothes ko sa locker. Habang wala siya ay sinimulan ko ng linisin ang katawan ko, binasa ko narin ang buhok ko dahil nangamoy kape narin ito.

Infairness hindi narin masama yung kape bilang shampoo. Pakiramdam ko isa ako sa mga bagong menu ng starbucks.

Natapos akong maglinis ng sarili, dumating narin ang damit ko kaya nagsimula nakong magbihis. Wala na sanang magsaboy sakin ng kung ano ano. Malayo pa naman ang birthday ko pero bakit may pasabog na sila agad para sakin.

"Wag kang lalabas ng classroom mo hanggat wala ako. Susunduin kita mamaya at baka makita nanaman kitang basang basa."

"Ruru dimo naman kailangang gawin yon." Ginawa pakong bata psh.

"Che! Magtigil ka Zi, sinasabi ko talaga sayo kapag ako napuno sa mga yon ililibing ko sila ng buhay." Napailing nalang ako sa inasal nito. Dumating na ang prof namin kaya pumasok narin ako.

Nagdiscuss lang siya ng mga activities na kailangan naming gawin at pagkatapos non ay lumabas narin. Buong maghapon ay ganon ang naging set up ko. Hanggang sa tumunog na nga ang bell hudyat na uwian na.

"Iziah dikapa baba?" Tanong ng president namin.

"May hinihintay pako pres eh." Tumango nalamang ito at tuluyan ng nagpaalam.

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon