CHAPTER 67

1.3K 100 31
                                    

IZIAH/AKESHA

Nakatulala lang ako sa labas ng bahay namin. Pinagmamasdan ang mga gusgusing bata na naglalaro ng larong kalye.

Nakaupo ako malapit sa may pader habang nakadikwatro at nakasalukbaba ang mukh ko sa isa kong palad.

Kapag naaalala ko ang ginawa ko noong nakaraang lingo ay hindi ko maiwasang hindi saktan ang sarili ko.

"Haist! Bakit ba hinayaan kong mangyari ang bagay nayon."

Para nakong sira rito. Sinasabunutan ang sarili at napapasigaw nalang.

"Zi." Tinanaw ko si Ejhay na bagong dating lang.

"Nakauwi kana pala." Tumango siya bago muling nagsalita.

"Ilang araw ka ng hindi pumapasok sa kumpanya. May nangyari ba kaya ka absent?"

Hindi ko naman pwdeng sabihin sakanya ang nangyari samin ni Sav. After all lasing lang siya non.

"Pero ginusto mo." Sabat ng jutakis ko.

"Hindi ko yon ginusto, K. SLIGHT, nadala lang din ako ng pagkakataon. Si Savannah yon excuse me!

Alam ko namang possibleng bumigay ako sakanila pero di naman sa ganong paraan, pero yun nga ang nangyari. Argh!

"Uyy tinatanong kita."

"Huh, ah. Wala, wala namang problema gusto ko lang na makapagpahinga at madalaw manlang si inang kahit papaano."

Sorry inang nadamay kapa tuloy.

"Ba't mo nga pala natanong?" Nagkibit balikat siya.

"Wala naman, napapansin ko kasi na lagi kang hinahanap ng mga boss natin kay agatha. Tapos pati yung isa pang maganda na kaibigan nila hinahanap kadin. Tapos kanina nagtanong sila sakin kung ano nadaw ba ang nangyari sayo at dika pumapasok."

Hinahanap nila ako. Sigurado yon, lalu na siya..

"Anong sabi mo?"

"Wala. Ang sabi ko lang binabantayan mo si inay kaya dika muna makakapasok."

Buti nalang at hindi niya ako inihulog sa balon.

Tumango nalang ako. Akmang papasok na siya ng humarap ulit siya sakin.

"Nakalimutan kong sabihin. Narinig ko lang kanina noong nasa elevator ako, sakto at andon sila kaya parang narinig ko na pupuntahan ka yata nila ngayon dito. Any minuet and---"

*Beeeeeeeeep*

Parehong nawala ang atensyon namin sa isat-isa at napalingon sa kotse na pinagkakaguluhan ngayon ng mg bata.

"Itago mo ko bilis!"

"Oyy teka Zi!"

Hinila ko siya papasok ng bahay habang nakatago ko sa likuran niya.

Maryosep. Kotse ni Autumn yon at alam kong kasama niya rin si Savannah.

Ano nalang ang mukhang maihaharap ko kung magkita kami ni Savannah. Nakakahiya kaya ang ideyang nakisiping ako sa boss!

"Aray naman Zi parang timang naman. Tignan mo damit ko lumuwang na."

"Gagi oversize yan kaya maluwang talaga." Sumilip ako sa bintana at don ko nakita ang paparating na delubyo.

Kasama rin pala nila si Pillow!

Ibinaba ko ang kurtina at nilock ang pintuan.

"Kapag hinanap nila ako sabihin mo nasa ospital ako binabantayan si inang."

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon