CHAPTER 57

913 82 12
                                    

IZIAH POV...

Kakagaling lang namin ni Estong sa ospital para bisitahin si inang. Nagiging mabuti na ang lagay niya kaya napapanatag narin kami kahit papaano.

"Kapag papasok ka bukas wag mong kakalimutan ang mga ibinilin ko sayo. Hanggan't kaya mo iwasan mong magkamali. Iwasan moring makasalubong ang boss natin. Tyaka kung may problema sabihin mo agad sakin."

Nandito na nga pala kami sa bahay. Halos kararating lang din namin.

"Talaga bang may sapi ang isa sa mga boss natin? Nakita ko yung picture niya sa fb hanep sa ganda!" Binatukan ko naman siya.

"Wag mong pag-interesan yon kung ayaw mong mawalan ka agad ng trabaho." Batok ko sakanya.

Pati ba naman boss papatulan tsk.

"Atyaka may sapi talaga yon. Makikita mo nalang yon minsan na tumitirik ang mata kulang na ngalang mag levitate siya." Naalala ko tuloy kung paano nya ko sungitan.

Ikinuwento ko din kasi sakanya ang mga tagpo namin ni Sav aside don sa nangyari sa ospital.

Sinabi ko lang naman kung gaano siya kasungit sakin kaya pinapaiwas ko siya don at baka madamay pa siya.

Ako ang nagpasok sakanya sa kumpanya sa tulong ni Autumn kaya kung nagkataon ay possibleng pag-initin din siya ni Sav.

"Makabatok kanaman diyan kulang nalang lumipad itong ulo ko." Reklamo niya.

Nagsalin siya ng tubig sa baso at tyaka ito ibinigay sakin.

"Nga pala naniningil na yung may-ari nitong apartment. Wala naman akong maibigay kanina kasi wala akong pera." Nahihiyang kamot niya.

"Nag-iwan ako ng pera sa may ref dimo ba nakita?" Umiling naman siya.

"Dika kasi tumitingin ng maayos." Iling ko rito.

"Hala diko naman kaya alam na may pera kapalang iniwan don!"

"Tsk. Tsk. Di ka kasi tumitingin. Puro ka kasi cellphone"


"Ano? Tignan mo nga tong phone ko pwde ng ipambato sa tetchingan." Sabay bagsak niya pa ng phone niyang inaanay na sa pagka luma.


Kung wala lang talaga akong utang na loob kay inang ay baka iniligaw ko na itong si estong.

*knock knock*

"Baka siya na ulit to. Saan nga yung pera kapatid?" Agad ko namang itinuro ang pera sa may ref.

"Wait lang ah magbabayad lang ,ako ng renta." Tumango naman ako dito at nagfocus na muna sa cellphone ko.

Kakakuha ko lang ng cellphone nato. Hinuhulugan ko panga eh. Dinaman talaga sana ako kukuha pero nahiya ako kay Autumn ng tanungin niya ang cellphone number ko.

Nang sabihin kong wala akong cellphone ay sinabi niyang bibilhan niya ako kaya mabilis akong nagsabi na bibili nalang ako ng cellphone.

Hanggang maari ay ayokong tumaggap ng kahit ano sakanya.

Umiiwas na nga ako diba. Kaya paano ako makakaiwas kung hahayaan kong bigyan niya ako ng kung ano ano.

"Love may naghahanap sayo." Nakakunot noo kong tinapunan ng tingin si estong.

"Love mo mukha mo." Sabay tampal ko ng palad ko sa mukha niya.

Iniwan ko siyang parang timang na tumatawa sa kusina at nagtungo na sa may pintuan.

Sino naman kaya itong naghahanap sakin?

"Autumn." Gulat na turan ko.

Nakangiti siya sakin na para bang isa akong magandang klase ng regalo.

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon