CHAPTER 55

867 77 13
                                    

Iziah POV...

Pagkarating ko ng kumpanya ay agad kaming pinatawag sa conference room.

Meron daw kasing mahalagang sasabihin si Autumn.

Pagbukas palang ng conference room ay mukha ng isang dyosa agad ang sumalubong samin.

Nahihiya ngang pumasok ang mga kasamahan ko dahil si Autumn pa talaga ang naghintay para samin.

Makalipas ang ilang minuto ay nag-umpisa narin siya.

"Kagaya nga ng sabi ko ay hindi nalang pambatang damit ang magiging product natin this year dahil magsisimula narin tayong gumawa ng teens clothes." Halatang masaya siya ngayon.

"Kailangan din natin ng mga bagong empleyado na makakatuwang natin mula sa pagdedesign hanggang sa mismong photoshoot kaya kung may mga kakilala kayo na tingin niyo pasok sa requirments natin ay papuntahin niyo lang sila sa HR para mainterview."

Tamang tama kakausapin ko si Autumn para maipasok si estong.

Pagkatapos ng meeting ay nagsibalikan narin ang lahat sa kanya kanya nilang department pero ako nagpaiwan dahil nga kakausapin ko si Autumn.

"Hello ma'am." Natigil ito sa pag-aayos ng projector at nakangiting humarap sakin.

Ang laki na ng pinagbago ni Autumn makalipas ang ilang taon. Nanatili parin ang kagandahan ng katawan niya kagaya noon pero ang attitude niya ang siyang nagbago.

Dati masungit siya at parating mainitin ang ulo pero ngayon parati na siyang nakangiti at friendly narin siya kabaliktaran naman ng isa na siyang naging moody at magagalitin parati.

"Yes Miss...?"

"Akesha." Pagpapakilala ko. Iba ang pangalang ginamit ko sa resume ko. Hindi kona pwdeng gamitin ang pangalang Iziah D. Felicano dahil matagal nakong patay sa mundong ito.

"What can I do for you Miss Akesha?"

"Uhm...base po kasi sa narinig ko ma'am about sa pagdadagdag ng mga emplayado ahm, may kakilala po kasi ako na pasok sa mga kailangan nating tao okay lang po ba kung papuntahin ko siya dito ngayon din?" Wala pang memo patungkol sa paghahanap ng bagong empleyado kaya bago paman makapaglabas ay sana makuhanan kona si estong at baka hindi pa siya makapasok.

"You are the new designer right?" Tumango naman ako. "I've been thinking of you."

"Huh?"  Thinking of me talaga.

"I mean I've been thinking how you do the thing you did last time."

"Alin po don?"

"Ang pagssketch ng design for just 5 mins.'

Ah yun pala yun.

"Siguro po nagkataon lang na may nag pop sa utak ko kaya nakagawa ako agad."

"If you say so." Hayag niya. "Anyway sure papuntahin mo nalang sa office ko ang sinasabi mong kakilala para ako na mismo ang mag-ayos ng papel niya bago ibigay sa HR."

"Nakakahiya naman po ma'am kung kayo pa ang mag-aayos ng papel niya." Feeling ko naman masyado.

"Don't mention it. Ang mahalaga ay makahanap na tayo ng mga empleyado bago ang paglunch ng mga new designs." Tumango naman ako.

"Uhm. Tulungan ko na po kayo ma'am." Tukoy ko sa projector na inaayos niya.

"No its okay kaya ko na to." Still independent as ever.

"Saglit lang naman to ma'am kaya hayaan niyo na po ako." Wala narin siyang nagawa kundi magpa-ubaya nalang.

Iniligpit ko na ang projector habang siya ay nagpaalam muna na uupo.

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon