Chapter 27

1.2K 72 11
                                    

"Zi si Savannah papunta satin." Tinanaw ako pwestong tinuro ni ruru. Kasalukuyan ngang naglalakad si Savannah palapit sa kinaroroonan namin.

At dahil wala akong panahon para dagdagan muli ang sakit na ibinigay niya kahapon ay mabilis nakong lumabas ng cafeteria dumiretso ako ng banyo at doon nagkulong.

Hindi ba ayaw niya ngang magkaron kami ng relasyon sa isat-isa kaya bakit mag-aabala pa siyang lumapit para lang kausapin ako.

Sapat na yung sakit kahapon ayoko ng dagdagan pa.

Pagkatapos kong mag emote sa cubicle ay lumabas narin ako. Mabuti nalang talaga walang ibang tao sa loob.

Tumuloy ako sa lababo para maghilamos. Alam kong bakas sa mata ko ang pag-iyak sinong hindi makakapansin ganong singkit na nga ako namamaga pa mata ko.

"Zi" natigil ako sa paghihilamos. Tumingin ako sa salamin at doon nakita ko ang repleksyon ni Savannah. Nasa bukana palang siya ng pintuan.

Hindi ko siya pinansin at naghilamos nalang ulit. Pinatay ko ang faucet tyaka dumiretso sa gilid para kumuha ng tissue. Pagkatapos kong patuyuin ang mukha ko ay tumuloy nako palabas, ngunit hindi paman ako nakakalagpas ng pinto ay hinila na niya ako ulit papasok ng banyo.

Sinarado niya ang banyo at nilock pa.

"Ano nanaman ba to Sav?" Walang gana kong usal sakanya.

Ayokong magpakita ng kahit anong emosyon, gusto kong maramdaman niya na balewala nalang siya sakin, dahil diko nanaman mapipigilan ang sarili ko kapag binaba ko nanaman ang pader na ginawa ko para sakanya.


"Zi hayaan mo muna akong magsalita." Kalmado ang boses niya pero nangangarag ng konti.

"Di muna kailangan pang magpaliwag Sav, ayos naman na sakin ang lahat kaya wag nalang nating paki-alaman ang isat-isa." Lalayo nalang ako para hindi nako makagulo pa.

Ayoko ring magpakatanga sa taong ayaw sakin. May mahalaga pakong kailangang gawin at yon ang pagkuha ng loob ng tatlo.

Akmang pipihitin ko na ang doorknob pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Ang first boyfriend ko ang taong pinakaminahal ko." Tinapunan ko siya ng walang paki-alam na tingin.

Ipinapamukha niya ba sakin na wala talaga akong pag-asa sakanya? Tumitigil na nga ako diba kaya bakit kailangan niya pang sabihin yon.

"Siya din ang ama ng anak ko." Dugtong pa niya.

"Put* ano bang gusto mong iparating Sav!." Napatalon siya sa sigaw ko.

Taena. Lumalayo na nga ako diba. Oo na tanggap kuna nga na hindi pwdeng maging kami.

Tanggap na tanggap kuna nga! Walanghiya namang buhay to kailangan kopa bang marinig kung gaano niya kamahal yung gag*ng yon.

Hindi na nga ako nagpumilit diba. Kusa na nga akong lumalayo pero siya naman itong lumalapit.

"Utang na loob Sav tumigil kanaman na oh. Malinaw na nga sakin na wala akong pag-asa. Tinaggap konaman na yon pero bakit naman ganyan, bakit pinapahirapan mo pa ako...lumalayo na nga yung tao Sav kaya please..tama naman na." Ang mga pahamak kong luha nanaman ang nagpahamak sakin.

Diko na kayang pigilan yung sakit na nararamdaman ko. Pinipilit ko naman ng magpakatatag, pinipilit ko ng iwaksi lahat ng sakit pero wala eh, andito talaga, andito parin, fresh na fresh pa nga yung sugat tapos dadagdagan pa niya.

"Zi makinig ka muna sakin." Maging siya ay umiiyak narin sa harapan ko.

Siya na nga itong nakasakit siya patong umaagaw ng moment ko.

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon