CHAPTER 56 Reunion

956 71 10
                                    

Autumn POV...

Ngayon ang gabi na magkakasama sama ulit kami ng mga kaibigan ko.

Tapos ko ng bihisan si Kally kaya kinuha ko narin ang susi ng kotse ko at tinawagan ko narin si Sav.

Ilang linggo din ng huli kaming magkita-kitang lahat. Ayaw kasi ni Sav nakikita ang asawa ni Light.

Yes, may asawa na si Light pero sa papel lang dahil palagi niyaring sinasabi samin na iisang tao lang ang nasa puso niya, nasa puso namin. Iisang tao lang hanggang ngayon.

"Mommy is Azalea will be there with us?" Inilagay ko muna ang seatbelt ng anak ko bago ko binuhay ang engine ng kotse.

"I'm not sure sweetie,  you know naman na she's just got out to the hospital right? Kaya baka hindi muna siya isama ng tita Sav mo." Nalungkot naman siya sa sinabi ko.

Agad ko namang pinagsaklob ang pisngi niya at mahina ko itong pinisil.

"How about we pay her a visit tomorrow? what do you think?" Taas baba pa ng kilay ko.

"Really?!"

"Yep." Tango tango ko rito.

"Okay mom, that will be okay with me."

Haay, sawakas at napangiti ko narin siya.

Ayaw na ayaw kong nalulungkot siya o dikaya umiiyak dahil pakiramdam ko mukha ni Zi na nasasaktan ang nakikita ko.

Lumalaki na siya kaya mas nakikita ang pagkakahawig nila ni Iziah na okay na okay sakin dahil kahit papaano ay nararamdaman kong kasama ko siya sa imahe ngalang ng anak namin.

"Kally don't run around at baka madapa ka." Saway ko sa anak ko ng makarating kami sa bahay ni Light.

Malaki ang bahay nila at may pool din. I think bahay ito ng pamilya ni Jefferson na ngayon ay pagmamay-ari na niya.

Lumapit ako kay Light at niyakap siya. Namiss ko ang bruhang to.

"Finally nakarating karin." Nakangiting usal niya.

"Of course, kailan bako nawala sa dinner mo." Hinanap ng mata ko ang dalawa pero hindi ko sila nakita.

"Nasa sala na sila." Mukhang nabasa niya ang nasa isip ko. Sumunod ako sakanya papasok ng bahay.

"Kanina paba sila dito?"

"Halos magkasunod lang kayo ni Sav pero si Pillow kanina pa andito. Nga pala nasabi sakin ni Sav na maglalabas kanadaw ng new design for teens?"

Inunahan nanaman ako ng boss ko sa balita.

"Yeah, we're still working on it kaya hindi pako siguro kung kailan talaga namin mailalabas yon sa market."

"Tita!" Excited na mukha ng dalawang batang lalake ang patakbong papunta ngayon sakin.

Nag squat ako para mabigyan ko sila ng yakap.

Sila ang mga ni Light at Pillow kay Zi. Si Marcus at Kalix

"I want a hug too!" Sigaw naman ng anak ko at nakisali sa yakapan namin.

May lahi talagang ingetera ang anak kong to, diko alam kung kanino to nagmana but I'm sure na hindi sakin.

Pagkatapos kong yakapin ang mga bata ay bumalik nanaman sila sa pagtakbo. Napailing nalang ako dahil ngayon nalang ulit nagkasama sama ang magkakapatid. Nabusy rin kasi ang bawat isa samin kaya hindi narin sobrang dalas kaming magkita.

Kung dati ay halos gabi gabi kaming magkakasama pero nitong nakaraang linggo ay medyo nagiging focus kami sa kanya kanya naming trabaho kaya bihira nalang talaga ang bonding ng mga bata at kami narin.

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon