Chapter 16

1.5K 75 4
                                    

A/N: Meron pa kaya ritong mahilig sa old music kagaya ko haha. Wanna join me? Char.😆

Enjoy!
Happy Morning!

Iziah/Eli POV

Kasalukuyan ako ngayong naglalakad para makapunta sa library. May ibinigay kasing task ang prof namin about sa isang math problem. Ibinigay niya narin daw ito sa mga nakalipas niyang estudyante at ni isa daw sakanila walang nakakuha ng tamang sagot kaya ito ipinasa niya naman samin ang sumpa.

Speaking of sumpa. Hindi ko parin ma figure out kung paano mawawala ang sumpa sakin ni Nerd. Nagawa ko naman ng bumait. I think. Wala naman nakong binubully. Maliban nalang kahapon na napaaway ako. Pero hindi naman kasi ako ang nag-umpisa ng away.

Huli kong naaalala sa sinabi ni Nerd ay karma daw ang bahalang magturo sakin ng leksyon. Tingin ko yun ang sinabi niya nawala narin kasi sa isip ko hehe.

Pumasok ako ng library at nagtungo sa mga libro na pang math. Baka sakaling dito ko mahanap ang sagot.

Sinuyod ko ang pagkarami-raming mathematics for engineer na mundo ng may mahagip akong isang libro ay agad ko itong kinuha. Ngunit ng kunin ko ang libro ay siya namang pagkakita ko sa isang magandang babae na nasa kabilang shelf.

Hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa taglay niyang ganda. Mukhang hindi niya napapansin ang pagtitig ko sakanya mula sa siwang ng libro na pinagkuhanan ko ng libro kanina.

Anong department kaya siya? Ngayon ko lang siya nakita. Nasa mathematics books side siya kaya baka sa engineering din siya. First year? Second?

Lumakad ito patungo sa kaliwa na abala parin ang tingin sa mga libro sa harapan niya. Sinundan ko ang daang tinahak niya pero natakpan na ang mukha nito ng libro. Peste hindi ko na makita ang mukha niya.

Gusto ko siyang makilala. Don't get me wrong.  Wala akong planong idagdag siya sa apat dahil sobrang babaero ko naman kapag ganon. Wow ngayon ko pa talaga naisip yan kung kailangan naka apat na ako. Ah basta! Gusto ko siyang maging kaibigan. Ang ganda niya kasi pero mas lamang parin sa ganda ang babaeng ako.

Mabilis kong tinawid ang kabilang shelf para harapin siya pero bigla nalang siyang nawala. Asan nayon?

Nakaramdam ako ng kaba sa puso ko at sa pag-iisip na baka multo ang taong nakita ko kaya mabilis akong umalis sa mga shelf at pinasulat nalang ang librong hiniram ko.

Kahit lalake ako sa panlabas na anyo babae parin ang katauhan ko. At ayoko sa multo!

Mabilis akong lumabas ng library ngunit sa kasamaang palad ay may nabangga naman ako.

"Hindi ko sinasadya miss--Autumn!." Nanlalaking mata ko na parang nakakita ng multo. Yun nga pala ang dahilan kaya ako nagmamadaling lumabas ng library.

"Are you hiding from someone?" Taas kilay nito na mabilis kong ikinailing.

"May hinahabol lang ako kaya nagmamadali ako." Inobserbahan nito ang aking mukha kung nagsasabi ako ng totoo.

Alangan namang sabihin ko na may nakita akong magandang babae sa loob ng library tapos gusto ko sana siyang kausapin pero bigla siyang nawala. Edi nakuyog nila ako sa pag-iisip na balak ko nanaman silang dagdagan.

"At ano naman yang hinahabol mo." May diin niyang turan sa word na hinahabol.

"Ha. Ah. Eh. Yung oras. Tama yung oras hinahabol ko baka malate nako eh. Paano una nako hehe." Bago pako tuluyang makahakbang palayo ay hinila nito ang bagko dahilan para hindi ako makaalis.

"Bakit?" Medyo kinakabahan tuloy ako sa paraan ng pagtitig niya.

"Are you fooling around again?." Taas kilay nitong singhal habang naka cross arm na.

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon